Passionate Encounter

1_211025941l1

All Rights Reserved. Copyright 2008

My Special Valentine

CHAPTER 1

KABABAGSAK lang niya ng telepono ng muli iyong tumunog. She picked up the phone and furiously snarled, “I will never come home. Let him die alone!” She was so angry she wanted to crush the phone ng sa gayon ay hindi na iyon tumunog pa at hindi na rin siya matatawagan. Matagal na siyang nananahimik ngunit ngayon ay muli na namang ginugulo ng mga tauhan ng ama.

“Go home to your father or else I will drag you home, brat!”

Bahagyang napapitlag si Yehlen ng marinig ang malalim at baritonong boses na iyon. Bahagyang sumikdo ang kanyang dibdib. But she was so furious with her father that she can only accommodate hatred. Kung anuman ang mahiwagang damdaming pinukaw ng baritonong boses na iyon ay agad niyang itinaboy.

“At magkano ang ibinayad ng Papa sa iyo to convince me to come home?” Sarkastikong turan niya habang mataas pa rin ang timbre ng boses.  “I can pay you double than that even in US Dollar’s figure,” she stressed the currency, “just leave me in peace!”

Katatapos lang niyang makipag-usap sa assistant ng ama and she said her strong conviction not to come home. Subalit makulit ang assistant at nagmakaawa pa to convince her. Sa sobrang inis ay binagsakan niya ito ng telepono.

Ang kausap niya kanina ay babae. Ngayon ay lalaki na naman ang kausap niya. At iba ang ginagamit na paraan nito. Kung ang babae kanina ay kulang na lamang ay lumuhod sa pagmamakaawa umuwi lang siya, ngayon ay napakaarogante ng lalaki. He was using the opposite tactic, tinatakot siya nito! At ano ang palagay nito sa kanya? The then seventeen year old helpless girl?

Hindi na siya katulad ng dati. She has a stable life now. Malayo na ang kanyang narating after her mother’s death. Sukat doon ay bahagyang nalambungan ang kanyang mga mata subalit tinatagan niya ang dibdib. Ang tanging bagay na nakapagpapalambot ng kanyang puso ay ang naging malungkot na kamatayan ng ina. Namatay itong nangungulila sa pagmamahal na ipinagdamot ng kanyang sariling ama.

From San Diego, California three years ago ay lumipat siya sa Hawaii para makalayo sa impluwensiya ng ama. The restaurant that she put up two years ago in Maui, Hawaii was doing pretty well. And she’s making herself live a stable life. She’s not used living in luxury at ang perang naiwan sa kanya ng ina ay iningatan niya at ginamit sa tamang paraan. And the hardwork she ventured in putting up “Beach Cirque,” the name of her restaurant which was inspired by beautiful beaches in Hawaii was paying off. And she’s planning to put up her second branch soon.

“Eat your dollars out sweetheart,” the voice was undeniably male. His teeth gritted at malinaw iyong narinig ni Yehlen sa kabilang linya. “Pack your things now or I’ll drag you home tomorrow.” He said with full authority.

“Ows?” Nag-isang linya ang kanyang mga kilay sa narinig. He sounded like a king! But the endearment he used made a way inside her snob heart. But she threw that away sharply. Walang puwedeng makabasag sa matigas na pader na inilagay niya sa pagitan ng sarili at lahat ng taong may kinalaman sa kanyang ama.

“Oh sweetheart,” she spat the endearment spitefully “you can die with my father-“

“We’ll die together then!” He hissed impatiently, cutting her off.

The harshness in his voice made the hair in her nape stood. There was a sense of authority in his voice that was indeed kingly. And she’s getting pissed off. Sino ang taong ito upang utusan siya ng isang bagay na hinding-hindi niya gagawin sa tanang buhay niya? Sumumpa na siya sa puntod ng ina, at hinding-hindi niya babawiin ang sumpang iyon. Period!

“Hey! Who do you think you are —“

“I’ll break your neck if you continue resisting a dying man’s wish!” Mas lalong nadagdagan ang galit at pagkaaburido sa boses nito.

Napasinghap si Yehlen. Subalit hindi siya nagpadala sa sinabi nito. “He can use his money to buy his life!” Buong pait na turan niya. “And he won’t die so don’t worry yourself too hard!” She said bitterly and bit her lower lip to control her raging temper.

Isang malalim na buntong-hininga ang narinig ni Yehlen sa kabilang linya. There was silence for sometime. She was groping for appropriate words, more cunning and bitter if he will throw her another statement again.

“I’m giving you 48 hrs to decide,” he said in a flat voice. “Give your father a ring within 48 hours. And expect the worst if you resist. I’m serious, I’ll drag you home if that’s necessary.” He said the threat solidly and the line went dead.

Napasinghap si Yehlen sa narinig. And she can feel that whoever that caller was, he has the nerve to do the threat. And she became more furious. She will bow to no one. Sa loob ng sampung taon ay namuhay siyang nag-iisa and nobody ever dared subdue her. Even her father did not succeed in getting her forgiveness.

Napakibit siya ng balikat at malakas na ibinagsak sa cradle ang telepono. As if she cares! No one can make her go home to her father. Nakapangako na siya sa puntod ng namatay na ina na kamumuhian niya ang ama. Na hindi na siya babalik dito. Na pagdadamutan din niya ito ng pagmamahal gaya ng ginawa nito sa asawa. Na ipaghihiganti niya ang sinapit nito.

CHAPTER 2

SHE WAS COMING back home at last. After ten long years. Sukat doon ay napahugot ng malalim na buntong hininga si Yehlen. Napahigpit ang hawak niya sa manibela ng minamanehong sasakyan. She was driving as if she was flying. But she care less. Parang bulkang gustong sumabog ng kanyang dibdib sa kinikimkim na galit.

Kung siya lamang ang masusunod ay ayaw na niyang umuwi pa sa Pilipinas. Ayaw na niyang makita pa ang taong nagtanim sa kanyang puso ng sama ng loob at galit sa loob ng mahabang panahon. Her father. Her eyes got moist subalit pinipigilan niyang pumatak ang kanyang mga luha. He’s not worth it, for Christ’s Sake!

When her mother died ten years ago sa America dahil sa breast cancer, isinumpa niya sa puntod nito na hinding-hindi na babalik ng Pilipinas sa piling ng kanyang ama. Namatay sa cancer ang kanyang ina at kahit isang beses man lamang ay hindi nagpakita ang kanyang ama para damayan ang mamamatay ng asawa. At kahit natapos na ang burol at nailibing na ang kanyang ina ay hindi man lang nagawang magpakita ng kanyang magaling na ama. How dared he!

She remembered the look in the eyes of her mother when she was dying. At kahit tahimik ito, she knew her mother wished to see her father for the last minute of her life. Kahit pa sabihing not in good terms ang dalawa at nasa stage ng paghihiwalay.

Gustong-gusto na niyang tawagan ang ama at pagalitan ito, sabihing mamamatay na ang kanyang ina at kailangan siya nito sa kahulihulihang sandali. But her mother told her na nakausap na nito ang asawa and he was so busy fixing the workers unrest in their textile business. Nagdedemand ng mataas na suweldo ang mga trabahador but the company can’t afford it at the moment. Bumaba ang halaga ng dolyar at tumaas ang presyo ng mga inaangkat na produkto.

Damn their business! Mas importante pa iyon kesa sa buhay ng kanyang ina! How she wished her father’s business will falter and he will go bankrupt. But God did not hear her prayer and even devil spared her curse. Dahil sa paglipas ng mga taon ay nabalitaan niyang mas lalong lumago ang Monteviste Textile Company. It even merged with giant companies and the last time she heard of it, it was one of Fortune’s Top 2000 companies in the world with branches in Hongkong and Europe.

She groaned in dismay. So her mother’s death did not go in vain. At naabot na rin ng kanyang ama ang tugatog ng tagumpay. Sukat doon ay napaismid si Yehlen. Come to think of it, money won’t buy immortality. Dahil iyon ang rason kung bakit siya bumalik ng Pilipinas.

She received a call last night from his father’s assistant. Demanding her to come home and that her father was dying. She slammed the phone down. Sa loob ng tatlong taon ay hindi siya nakipagcommunicate sa mga taong alam niyang kakilala ng kanyang ama at lumipat ng tirahan. Pinagtaguan niya ang ama. She came to a point that she’s so pissed off already at hindi lingid sa kaalaman niya ang mga taong palihim na sinusubaybayan ang mga kilos niya mula sa malayo.

Her father paid several bodyguards to watch and protect her from a distance! And she never want to do something with her father anymore! Ilang beses siya nitong pinagtangkaang kausapin at suyuin but she was so mad at him that she won’t even dare listen a word from his explanation.

Subalit natunton pa rin siya ng ama pagkalipas ng tatlong taon. Akala niya’y tuluyan na niyang napagtaguan ang ama. Her father was a very influential man already. At kahit nasa Amerika siya ay abot hanggang doon ang impluwensiya nito. But he cannot erase the wrath in her heart for him. He was the heartless man in the world at ang pinakamahalaga sa buhay nito ay ang pera at tagumpay. He heart bleed bitterly.

Nang mamatay ang kanyang ina ay namuhay siyang nag-iisa. May mga kamag-anak siya sa mother side sa San Diego, California ngunit pinili niyang mamuhay ng mag-isa. Ni hindi na rin niya pinag-abalahang tawagan ang kanyang ama. Isinumpa niyang kakalimutan na mayroon pa siyang ama. Para sa kanya’y patay na ito.

Pagkatapos ng mahigit isang buwang nailibing ang kanyang ina ay nakatanggap siya ng tawag mula sa ama. Humihingi ito ng tawad at hindi nakarating sa burol ng asawa. He was so busy with Monteviste Textile’s problem —damned that business! And the greatest alibi na hindi niya kayang tanggapin ay hindi raw nito alam ang sakit ng asawa and that pagkalipas ng isang buwan pa nito nalaman ng umuwi sa Pilipinas ang kanyang Tita Lerma, pinsan ng kanyang ina. And her mother was buried already!

Doon niya nalamang ang ama ang pinakasinungaling na tao sa mundo! How could he use the reason na hindi nito alam ang sitwasyon ng asawa gayung nasa tabi siya ng ina ng kausap nito sa telepono ang ama upang ipaalam dito ang sitwasyon nito sa Amerika? Oh, how she loved to praise her father for outstanding performance! The nerve of him!

Hindi ito dumating sa mga panahong kailangang-kailangan ito ng asawa. But now that he’s old and dying, he’s begging her to come home. Upang makasama siya sa huling mga sandali ng buhay nito. Huh! He can surely die with his money and power alone!

Dalawang tawag na ang kanyang natanggap sa loob lamang ng tatlumpong minuto. Her last caller threatened her to come home and even gave ger an ultimatum. She was a bit affected. But she will not bow to anybody. Especially sa taong alam niyang binayaran ng ama.

When her mother died after a fateful fight with breast cancer, ipinasya niya sa sariling kakayanin niyang mabuhay mag-isa, that she did not need his father’s guidance. She was young then, only seventeen. At nasa dayung lugar. It was her first time in America. And she was barely six months living in the foreign soil. But she needs to survive. Wala na ang kanyang ina upang protektahan at alagaan siya. Wala na siyang maaasahan pang iba kundi ang kanyang sarili.

Ang Tita Lerma niya ay bumalik ng San Diego at hinimok siyang pumisan na sa mag-anak ngunit tumanggi siya. Naghanap siya ng trabaho at napasok siyang waitress sa isang sikat na Italian restaurant sa San Diego. Where she met Dough, isang talent scout ng mga ramp models. And her modeling career started in an instant. Before she realized it, she was already one of the top supermodels in the world.

At the young age of seventeen, she was already five feet eight inches tall. And she was slim. She even slimmed down due to her mother’s death. Her long curly hair reached her waistline. Her fragile features –oval shaped face, expressive eyes with dark lashes, upturned nose, and full lips -were very photogenic.

She made a mark in the first fashion show she appeared. At mula noon ay naging in demand na siya sa mga fashion shows at pagkalipas ng tatlong taon, she was branded as one of the world’s top rated supermodel.

Ang lahat ng mga iminomodelo niyang damit ay sold out. At sa loob ng pitong taon ay ang modeling ang naging mundo niya. But the limelight and success never erased the hatred she carried in her heart for her father. She remained bitter and isolated. She transformed to a very modern and graceful ramp vamp when shes in the catwalk. But after work, shes back to her old self. Galit siya sa mundo. Galit siya sa ama.

Kahit busy siya sa pagmomodelo ay palagi niyang dinadalaw ang puntod ng ina. At kapag nakikita niya ang puntod ng ina, at naiisip na namatay ito sa pangungulila sa pagmamahal ng asawa, mas lalong nadagdagan ang galit niya sa ama. Kahit man lang sa huling sandali ay ipinagdamot nito ang pagmamahal sa namatay na asawa.

Akala niya noon ay larawan ng masayang pagsasama ang kanyang mga magulang. They were living a happy life. Ang kanyang ama ay larawan ng isang mabuting asawa. At ang kanyang mama, the typical loving ang caring mother and wife. Kapag weekend ay palagi silang lumalabas. Hindi niya kailanman nakitang nag-away ang kanyang mga magulang. At least, not in front of her!

Until one night… when she was seventeen. Nagising siya sa ingay na nanggagaling sa silid ng mga magulang. Pupungas-pungas na bumangon siya at tinungo ang master’s bedroom. Habang papalapit ay malinaw niyang naririnig ang pagtatalo ng mga ito. Nawala ang kanyang antok sa mga narinig.

“Walanghiya ka Menandro!  Pinagkatiwalaan kita subalit niloko mo lang pala ako! At ang mismong sekretarya mo pa mismo ang kalaguyo mo!”

“Ano ba Isabel, nag-uusap lang kami ni Rhea ng makita mo kami—“

“Magkayakap kayong dalawa! Kitang-kita ng mga mata ko!” Hiyaw nito. “Matagal ko ng napapansin na ang bait mo sa sekretarya mo! Iyon pala ay matagal nyo na akong niloloko!”

“Hindi totoo iyan!” Exasperated na sigaw ni Menandro.

“Singungaling!”

Muntik ng lumundag sa kinatatayuan si Yehlen ng marinig ang nabasag na bagay. “Mama!” Kaagad na pumasok siya sa silid ng mga magulang. Kanina ay nag-aalangan pa siyang pumasok kahit pa nakabukas naman ang pinto. Nakita niya ang basag na lampshade sa sahig at ang kanyang mga magulang ay biglang natigilan ng makita siya.

“Yehlen…” Si Isabel ang unang nakabawi at umiiyak na lumapit sa kanya at niyakap siya.

“Mama..” Umiiyak ding niyakap niya ang ina. She was a picture of a miserable wife. Galit ang mga matang pinukol niya ng tingin ang ama.

Miserableng napasuklay sa buhok si Menandro. Humihingi ng pang-unawa ang mga mata nito.

“Umalis na tayo sa bahay na ito anak,” Isabel was sobbing at mas lalong humigpit ang yakap sa kanya.

“Ma…”
“Isabel!” Si Menandro na biglang napatayo mula sa pagkakaupo sa kama.

“Ayoko ng makita ang pagmumukha mo! I can’t bear see you and your infidelity!” Galit na muling hinarap ni Isabel ang asawa.

“My God! Hindi kita kailanman niloko Isabel!”

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Yehlen. “Pa hayaan nyo munang makapag-isip ang Mama.” Muli niyang binalingan ang umiiyak na ina. “Sa silid ko muna kayo matulog ngayong gabi Mama.”

Mahigpit na yumakap sa kanya si Isabel. Umaamot ng lakas. Inalalayan niya ang ina habang tinutunton nila ang kanyang silid. Hindi niya alam kung ano ang gagawin ng mga oras na iyon. Ito ang kauna-unahang pagkakataong nag-away ang kanyang mga magulang.

Sa loob ng kanyang silid ay umiyak ng umiyak ang kanyang ina. Pilit niya itong inaalo ngunit parang wala siya sa tabi nito at patuloy lamang ito sa pagluha. Halos mag-uumaga ng makatulugan nito ang pag-iiyak. Inayos niya sa pagkakahiga ang ina at dala ng matinding antok ay nakatulog na rin siya.

Tanghali na ng magising si Yehlen kinaumagahan.

“Buti naman at gising ka na anak. Maligo ka na at mag-ayos. Aalis tayo.”

Pupungas-pungas na kinusot niya ang mga mata. “Saan tayo pupunta Ma?” Inaantok pang tanong niya. Hindi pa rin bumabangon sa kama.

“Sa Amerika.”

Bigla ang pagbalik ng mga pangyayari kagabi. Nagmulat siya ng mga mata at nakitang nakabihis na ang ina. Namumugto ang mga mata nito tanda ng magdamag na pag-iyak. “Ang Papa?”

“Maagang umalis at nagtungo sa opisina. May napipintong strike daw ng mga manggagawa ngayong araw. At maganda pa ang ibinigay na dahilan. Alam kung magkikita lang sila ng kabit niya!” Mapait nitong turan.

She groaned with dismay. “Ma baka nagkakamali ka lang—“

Isang matalim na sulyap ang ipinukol sa kanya ng ina. “Nakita mismo ng dalawang mga mata ko ang kahayupang ginagawa nila Yehlen! Pinigilan ko lang ang sarili kong gumawa ng eksena sa opisina. Hinintay kong makauwi ang ama mo. Subalit gabi na ng makauwi si Menandro!”

“Oh!” Pakiramdam niya’y mabibiyak ang kanyang ulo sa problemang kinakaharap ng kanyang pamilya. Ang pamilyang akala niya’y huwaran, heto at nakaambang mawasak anumang oras. “Alam ba ng Papa na aalis tayo?”

“Hindi niya dapat malaman.”

“Ma!”

“Maligo ka na at mag-ayos. Mahaba ang biyahe natin.” Pinal na utos nito.

Walang nagawa si Yehlen kundi ang sundin ang utos ng ina. Noong araw ding iyon ay lumipad sila ng Amerika. Isang buwan pa lamang sila sa Amerika ng mapansin niyang nangangayayat ito at nanlalalim ang mga mata. Siya mismo ang nagdala dito sa ospital upang magpacheck-up. At gayun na lamang ang kanyang pagkagimbal ng madiagnose na may breast cancer ang kanyang ina. Nasa last stage na ang sakit. At anim na buwan na lamang ang itatagal nito sa mundo.

Sa loob ng murang edad ay hindi niya alam kung ano ang gagawin ng matuklasan ang rebelasyong iyon. Lalo pa at nalaman niyang matagal na iyong alam ng ina at itinatago lamang ang sakit nito.

“Alam ba ng Papa?” Nanghihinang tanong niya sa ina.

Isang marahang iling ang sagot nito.

“Kailangang malaman ito ng Papa Mama. Higit kailanman ay kailangan mo sa tabi mo si Papa—“

“Hindi ko kailangan ang kalinga ng isang manloloko Yehlen.” Mapait na turan nito.

“Okay,” she raised her hand in defeat. “But my father entitles to know this.” Lumapit siya sa mesitang nasa tabi ng hospital bed kung saan nakapatong ang telepono at idinayal ang direktang numero sa opisina ng ama.  “Pa!” Kabadong wika niya ng marinig ang boses ng ama.

“Thank God at tumawag ka anak. Kamusta na kayo ng mama mo?” Malungkot na tanong nito.

“Pa…” She swallowed the lump in her throat. Hindi niya alam kung papaano saabihin dito ang sitwasyon ng kanyang ina. “Kayo po kumusta?”

Isang malalim na buntong-hininga ang narinig niya. “Eto, hindi maganda ang lagay ng negosyo natin. Maraming demands ang mga trabahador na hindi kayang ibigay ng kumpanya sa ngayong panahon.”

“Ganun ba…” Nag-aapuhap siya ng tamang salita kung paano ipagtapat sa ama ng sakit ng asawa.

“Alam kong galit pa rin si Isabel sa akin. Palagi na lang niya akong binabagsakan ng telepono –“

Nang biglang may humablot sa hawak niyang telepono. Si Isabel na ngayon ay nakatayo na sa kanyang harapan.

“Ma—“

“Ako na ang magsasabi.” Matatag nitong turan.

Pakiramdam ni Yehlen ay nabunutan ng tinik ang kanyang lalamunan. Sandaling tumalikod si Isabel at ng humarap ito sa kanya ay maaliwalas na ang mukha.

“Oo si Isabel ito. Kamusta ka na Menandro.”

Mataman niyang pinagmasdan ang maaliwalas ng mukha ng ina habang kausap sa telepono ang asawa. Hindi na ito nagsalita, nakikinig lamang sa sinasabi ng nasa kabilang linya.

“May dapat kang malaman.”

Yehlen held her breath for a moment. Bumaba sa sahig ang kanyang paningin.

“I’m dying…” Isabel said it almost in a whisper. Bahagya pang pumiyok ang boses nito.

Yehlen sucked some oxygen. Pakiramdam niya’y hinugot ang lahat ng lakas sa kanyang katawan. Nanlupaypay siya sa narinig. Her mother was dying? God! She can’t accept it.

“Ma!” Kaagad na sinugod niya ng yakap ang ina. Pagkalipas ng ilang sandali ay nabitiwan nito ang telepono at yugyog ang mga balikat na niyakap siya. Yakap nila ang isat-isa habang kapwa umiiyak. Puno ng pangigipuspos ang kanyang puso.

“Your father can’t come Yehlen,” Maya-maya ay tahimik na turan nito. “Malaking problema ang kinakaharap ng kumpanya at hindi niya iyon maiiwan. I’m glad I have you.” Her voice shakened. At maya-maya pa, she broke down in heavy sobs.

Biglang nanlabo ang paningin ni Yehlen habang sinasariwa sa kanyang isipan ang mapait na ala-alang iyon ng kahapon. And before she realized it, pumatak na ang mga luhang kanina pa niya pinipigilang pumatak.

Damn! Mabilis na pinahid niya ng mga daliri ang nabasang pisngi. Rough road na ang tinatahak ng rental car na minamaneho niya kaya napilitan siyang bagalan ang pagpapatakbo ng kanyang sasakyan. Patungo siya sa Rancho Isabel sa Batangas. Hindi niya alam kung mangingiti o iismid at ipinangalan ng kanyang ama sa kanyang ina ang rancho.

It was her mother’s inheritance. Five hectare tract of agricultural land kung saan nakatirik ang dalawang palapag na Spanish House ng kanyang lolo at lola. They died when she was fifteen. At namana ng kanyang ina ang lupaing iyon. Ten years ago, it was just a tract of agricultural land. Subalit pinaunlad iyon ng kanyang ama at ngayon nga ay isa ng malawak na rancho. He even bought the adjacent lands at sabi nga ng kanyang Tita Lerma ay halos umabot na sa 50 hectares and coverage ng Rancho Isabel.

It was her Tita Lerma who convinced her to come home.

Tinawagan siya nito halos treinta minutos pa lamang ang nakalipas ng makausap niya ang pinakaaroganteng taong inuutusan siyang umuwi o kakaladkarin siya nito pauwi.

She was neglecting the phone na kanina pa nagriring. Subalit makulit ang caller. Halos fifteen minutes ng nagriring ang telepono. Pigil ang galit na dinampot niya ang aparatu.

“Salamat at sinagot mo rin ang tawag ko Yehlen.”

“Tita Lerma.” Kaagad na nabosesan niya ang nasa kabilang linya. Halos tatlong taon na rin ng huling makausap niya ang tiyahin.

“Kamusta ka na ija?” Malungkot na turan nito. Naroon ang pagdaramdam sa boses.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Yehlen. When she decided three years ago na pagtaguan ang ama, ipinasya na rin niyang putulin ang kanyang komunikasyon sa lahat ng kanyang kamag-anak. She was so furious when she found out na karamihan sa mga iminodelo niyang damit ay ang ama mismo ang bumibili. She left her modeling career, na labis na tinutulan ni Dough.

Dahil alam niyang may mga taong lihim na sumusubaybay sa kanya, she even made a disguise para lamang huwag matuntong lumipat siya sa Hawaii. Ang akala niya’y nagtagumpay na siya to get rid of her father’s influence, subalit makalipas ang tatlong taon ay natunton din siya nito.

“I’m okay Tita. I’m sorry..” Hindi niya napigilang humingi ng dispensa sa ginawa. Isa ito sa mga taong nagpakita sa kanya ng malasakit pagkatapos mamatay ang kanyang ina. At ito rin ang tumulong sa kanilang mag-ina sa Amerika.

Matagal na katahimikan ang namayani. “Did you receive my email?” Maya-maya ay basag nito sa katahimikan.

“Email? Nag-email kayo sa akin?” She frowned. Paano nalaman nito ang kanyang email address? Ng maalala na kasabwat nga ito ng ama ay natampal ni Yehlen ang noo. She almost forgot! Damn her father’s influence again!

“Don’t ask me how I got your email address niece.” Tila nahulaan nito ang kanyang iniisip. “Just open your email now and fast!” Malambing na utos nito.

“Okay,” she accepted her defeat. Bitbit ang cordless phone ay tinungo niya ang study room kung saan naroroon ang kanyang personal computer. She was in her flat in Maui, a few kilometers away from her resto. Kaagad na ini-on niya ang pc. She has her dsl connection at home. “I’m opening my email now Tita.”

“Good.”

“How’s Tito Jose and my cousins?” She asked while checking her emails. She scanned her new messages at nakita ang pangalan ng kanyang Tita Lerma as the sender. Kaagad na binuksan niya ang email message. Walang text, only attachments. She downloaded the attachments.

“They’re doing fine Yehlen. Siyanga pala, si Maristel ay nakatakdang magpakasal three months from now,” ang tinutukoy nito ay ang pangalawang anak. “I hope you will attend her wedding.”

Ngunit nawala ang kanyang atensiyon sa sinabi ng kanyang Tita Lerma ng lubos na masilayan ang mga pictures na ipinadala nito sa kanya. Her heart softened. “Oh, is this my father?” The pictures were taken from a hospital suite. An old man lying in the hospital bed at nakakabit ang ilang medical apparatus which sustained his life.

“Menandro needs you Yehlen. That picture was taken during his latest heart attack. Bagamat naligtasan niya iyon, he’s still weak. At sabi ng doctor ay hindi na nito makakayanan kung muling aatakehin sa puso. Go home ija. Kalimutan mo na ang nakaraan. Patawarin mo na ang ama mo.”

“Hindi ko kailanman mapapatawad ang Papa sa ginawa niya sa Mama Tita.” Before she could realize it, she was already crying.

“He already suffered a lot Yehlen. Please go home before its too late. Alam kong hindi bato ang puso mo ija. Kailangan mo lang matutong magpatawad.”

“Paano ko mapapatawad ang Papa Tita? Sampung taon kong dinala sa dibdib ko ang galit sa kanya.  Ipinagdamot niya sa Mama ang pagmamahal nito hanggang sa kahuli-hulihang sandali. At handa kong ipagdamot sa kanya ang pagmamahal kong iyon as a revenge!”

“Ayokong yurakan ang magandang ala-ala ng Mama mo sa iyo Yehlen.” Malungkot na turan nito. “But you’re giving me no choice.”

“Anong ibig mong sabihin Tita?” Lumalim ang gatla sa noo niya.

“Go home and find it yourself. Nandito sa Pilipinas ang kasagutan.”

“You’re tricking me Tita—“

“You can curse me too if you’ll find out I’m just tricking you to come home.”

Right then and there, she packed her things and went to the airport. Habang papunta sa airport ay tinawagan niya ang assistant manager ng “Beach Cirque” na si Lorraine, isang FilAm na uuwi siya ng Pilipinas at ito na muna ang bahala sa restaurant.

CHAPTER 3

MABILIS na inapakan ni Yehlen ang brake ng mula sa kung saan ay may tumawid na sangkaterbang mga baka sa daan. Kung hindi niya naagapang magpreno ay baka nasagasaan niya ang isa sa mga ito. It was a large herd of cows. Sa tantiya niya ay lampas sa isang daan ang mga iyon. Iniatras niya ang sasakyan ng sampung metro at ipinasyang bumaba.

Mabilis ang takbo ng mga hayop. Lumipad ang kanyang paningin sa anim na taong nasa likuran ng mga hayop… they were riding in a horse habang iginigiya ang mga baka sa tamang direksiyon. Napasinghap si Yehlen. Now, she was seeing real cowboys in action.

Nawili siya sa panonood hanggang sa tuluyang nakatawid sa daan ang mga baka. Hindi siya napansin ng anim na taong nakasakay sa kabayo dahil abala ang mga ito sa paggiya sa malaking grupo ng mga baka. They were in mastered motion while riding on top of their horses. She can see their virile body but their cowboy hats hid their faces from her.

Akma na siyang sasakay uli sa sasakyan ng lumingon ang isa sa mga taong nakasakay sa kabayo at nakita siya. Hinila nito ang renda ng kabayo at ngayon ay papalapit sa kanya. The horse stopped a few meters away from her. Matikas ang pangangatawan ng lalaki. Hindi naitago ng suot na damit ang malalapad nitong balikat. And his pants fit to his legs like second skin. In a swift movement, he took his hat off, revealing a powerful, masculine handsome face that took her mind away.

Lihim na napasinghap si Yehlen. In a few millisecond, she felt something odd striked her heart that it seemed to skip a few beats. Nanatili siyang nakatitig sa pinakamaitim at pinakamatalas na mga matang ngayon ay nakatitig din sa kanya.

Hinila nito ang renda ng kabayo dahilan upang sumingasing ang hayop. And she was brought back to the present. Kasabay ng pamumula ng kanyang pisngi ang katotohanang kaya iyon ginawa ng lalaki ay upang matauhan siya.

She blinked her eyes for several times at hinamig ang sarili. Ang malaking grupo ng mga baka at ang mga kasamahan nito ay tuluyan ng nakalayo sa kanila. And she was standing outside the car under the heat of the afternoon sun. At ang maalinsangang pakiramdam na dulot ng mga titig ng lalaki ay idinahilan niya sa mainit na tama ng araw sa kanyang balat.

Ngayon ay nabawi na niya ang kahinahunan at buong tapang na sinalubong ang titig ng lalaki. But when she looked at him again and found out that he was looking at her from head to foot, bigla siyang nailang. She knew she was a pretty woman. Madalas niya iyong naririnig sa mga taong nakakasalamuha niya. With her five feet ten inches height and slender model figure, she stands out in a crowd. Plus she has flawless skin, expressive face and the stubborn riots of her long curly hair appears sexy and erotic. She always gets a second look from anyone.

But her self-confidence now seemed to abandon her. Dahil hindi paghanga ang nakikita niya sa mga mata ng kaharap kundi disgusto. A corner of his mouth twisted in a mocking smile as she saw his eyes turned sharper. At may nakikita siyang panunumbat sa mga mata nito?

“I’m glad at last you came at your senses.” His voice deep and full. “It saved me from the burden of dragging you home to your father.”

His voice brought familiar chills down her spine. She looked at him with awe ng marealize na ito ang lalaking nakausap niya kahapon sa telepono. The man who threatened her to come home voluntarily or he will drag her home literally. The thought made her face hard with anger. Her lips turned into a thin line.

“Oh, I always have my senses intact. And I’m not here because I’m scared of your lame threat,” she spatted furiously subalit kontrolado ang kanyang tinig.

His jaws moved in suppressed anger at humigpit ang kapit nito sa renda ng kabayo. “And what brought you home heartless daughter?”

If looks can kill, tiyak kanina pa siya nakabulagtang walang buhay sa kalsada. He was looking at her fiercely like he wanted to cut her into bits and pieces. She released a triumvirate smile.

“Let’s say I’m her for revenge,” she said sweetly. “Upang ipamukha sa kaawa-awa kong ama na kailanman ay hindi niya makukuha ang pagpapatawad ko. And I’m here to bring more miseries until he decide to quit.” She stressed the word kaawa-awa like a poison.

Mahigpit na nahila nito ang renda ng kabayo that made the animal jumped in surprise. His face was hard as stone. At kulang na lamang ay lumundag ito pababa ng kabayo at sakmalin ang kanyang leeg sa labis na galit.

And as if her imagination went real, mabilis na bumaba ito sa kabayo at sa mabalasik na anyo ay mahigpit na hinawakan ang kanyang magkabilang balikat sa halip na sakmalin ang kanyang leeg. At least, what he did was less brutal.

Yehlen was caught off-guard. The touch of his hands on her bare shoulders made her almost lost her balance. She suddenly felt as if he was holding her soul too with the act. She looked at him with helpless eyes. And she saw his eyes softened for a short moment at muling naging mabalasik ulit.

“How could you be so heartless?” He hissed.

Their faces almost a millimeter away. At halos mapaso ang dalaga sa matinding galit na nagmumula sa mga mata nito. But there was something else. His hard breathing fanning her face, making the hair in her nape stood. His breath was as fresh as sunshine and the masculine scent she sniffed from him seemed to drown her spirit.

And she needed to fight his enigmatic effect on her to stand her ground. At hindi siya dapat makaramdam ng ganito sa lalaki. He looked as if he cared much for the person she hated and cursed. And therefore, she was her enemy!

Yehlen tilted her head. “Why, you’re talking as if my father was the greatest in the world and that I’m the worst daughter.” Ang galit at pagdaramdam sa kanyang dibdib para sa ama ay mistulang bikig sa kanyang lalamunan that she struggled to speak.

“Your father doesn’t deserve this cruelty from you. Sa lahat ng pagkakataon ay kapakanan mo ang iniisip niya—“

“Oh I can see what a great father he was!” She cut him in mid-sentence.

“Ikaw ang pinakawalang-kuwentang anak na nakilala ko.”

Mahina ngunit malinaw na umabot sa pandinig ni Yehlen ang sinabi nito. Nagpanteng ang kanyang tenga sa narinig. “Hindi mo alam ang puno’t dulo ng lahat kaya wala kang karapatang husgahan ako!” She was raging with wrath.

Nakita niyang sandali itong natigilan. Hindi ito umimik at tahimik na pinakatitigan ang kanyang mukha. Bigla siyang naconscious. From very angry, now she was uncomfortable under his probing eyes. And God, she doesn’t know what other kind of emotion he can instantly pull from her. And that scared her most.

His gaze roamed around her pretty face. Nang bumaba ang paningin nito sa kanyang mga labi at tumagal doon. Pakiramdam ng dalaga ay biglang nanuyo ang kanyang lalamunan. Unconsciously, she licked her drying lips habang malakas ang tahip ng kanyang dibdib.

“Don’t do that again, Yehlen. You’re driving me crazy.” He whispered in a hoarse voice while eyes not leaving her now moist lips.

She couldn’t believe her own ears. Ngunit mistulang musikang umabot sa kanyang pandinig ang sinabi nito. He whispered her name in a way like it was the sweetest name in the world. Mas lalong lumakas ang kabog ng kanyang dibdib at pakiramdam niya’y nalalasing siya sa bango ng hininga nito. Their faces were so closed that they were almost sharing breathing!

“I’m glad you went home.” Maya-maya ay basag nito sa katahimikan.

Namumungay na ang mga mata ng dalaga at kanina pa niya inaasam na lumapat ang mga labi nito sa kanya. They were almost kissing sa lapit ng mga mukha nila. Kanina pa niya nilalabanan ang urge na ipikit ang mga mata at idikit ang kanilang mga labi. The mere thought excited her. Pakiramam niya’y lihim na nanginig ang kanyang pagkatao sa naisip.

“Your father will be the happiest man in the world.”

Napangiwi si Yehlen sa ideyang iyon. Surely, she did not come home to please her father. Much more give him happiness. Umuwi siya para tuklasin ang katotohanan sa sinabi ng kanyang Tita Lerma. Though alam niyang baka sineset-up lang siya ng tiyahin upang umuwi. Anuman ang dahilan, hindi siya umuwi para paligayahin ang ama.

“My father’s happiness is the last thing I wish.” She said bitterly. At muli ay nabuhay ang galit sa kanyang dibdib.

She moved her head. Her intention was to spat him bitter words at pakawalan ang sarili mula rito. Ngunit sa ginawa niya’y lumapat ang kanyang mga labi sa mainit na labi ng lalaki.

She was shocked. Hindi niya kailanman inisip na mararamdaman iyon sa simpleng pagkakalapat ng mga labi nila. Bigla ang naging reaksiyon ng kanyang katawan. She shuddered with intense need. The attraction between them was so strong at sa ginawa niya’y nawasak ang manipis na pader sa pagitan nila ng lalaki.

“Yehlen…”

She felt as if she was crushed when his arms wrapped around her narrow waist and pulled her closer to his burning body. Kasabay noon ang marahas na pag-angkin nito sa kanyang mga labi. He was kissing her with intense passion na animoy ngayon lang napakawalan sa loob ng mahabang panahon.

Pakiramdam ng dalaga ay iniwanan siya ng sariling lakas sa lakas ng impact ng halik ng lalaki sa kanya. Buti na lamang at mahigpit siya nitong hawak or else she would fall freely like a melting ice cream. It was not her first kiss. But it was her first time to be engulfed by such strange feeling.

Sa Amerika ay nagkaroon siya ng tatlong boyfriends. The first one was a fellow ramp model. Gorgeous and hunk. He was her first kiss.  She was twenty then. And she thought her first kiss was great. Nagkaroon pa siya ng dalawa pang boyfriends, one Irish and the last one was a Fil-Canadian. And after her first kiss, she then thought that kissing was only mere touching of the lips, meeting of tongues or exchanging saliva in particular.

But not until now.

His lips moved over hers in a mastered movement. She willingly opened her mouth and answered his kiss. And when his tongue met hers, he sucked it savagely that took her mind away. She cried in pleasure and sucked his sleek tongue back. She heard him released a harsh groan. They’re kissing each other fiercely, almost brutal and hard. But who cares? She never thought kissing could be this lethal and enchanting. When his lips left hers, she moaned her protest and attempted to lock their lips again.

“May paparating.” He whispered and touched her swollen upper lip with his thumb.

“Oh!” Sukat doon ay pinamulahan siya ng mukha sa pagkapahiya. How could she lost her dumb self in a mere kiss? Agad na pinakawalan niya ang sarili mula dito ng makarinig ng mga yabag ng kabayo papalapit sa kanila. Nakita niya ang isa sa mga kasama ng lalaki kaninang gumigiya sa mga baka. They were in an open area at tiyak na nakita sila nitong naghahalikan. Napatampal sa noo si Yehlen at mabilis na sumakay ng rental car at pinaharurot iyon palayo.

SANDALING itinigil ni Yehlen ang sasakyan ng marating ang pakay. Pinasadahan niya ng tingin ang nakasulat sa nakaarkong bakal na entrance gate. Rancho Isabel. Now, she was home at last. Mula sa guardhouse ay nakita niyang lumabas ang isang nakaunipormeng lalaki, may sukbit na baril sa tagiliran nito. Isang guard. Ibinaba niya ang windshield ng mahinuhang mag-iinspeksion ito.

“Saan po kayo Ma’am?” Magalang na tanong nito.

“Rancho Isabel.” Pahinamad na sagot niya.

“Sino po ang sadya ninyo?” Tanong ng lalaki habang sinisipat kung ano ang laman ng kanyang sasakyan o meron ba siyang kasama.

“I’m visiting my father.” Lihim siyang napangiwi sa sinabi.

Halatang nagulat ang guard at pinakatitigan siya. “Senyorita Yehlen!” Maya-maya ay bulalas nito ng makilala ang dalaga.

Pauyam na ngumiti si Yehlen. “Mabuti naman at kilala mo ako. Now, puwede na ba akong pumasok?”

Halatang napahiya ang lalaki. “Aba siyempre ho!” Nagahol na sagot nito. “Sandali lang po.” Mabilis na itinaas nito ang nakaharang na bakal sa entrance at sinenyasang pumasok na siya.

Kaagad na itinaasa niya ang windshield at muling binuhay ang makina ng sasakyan. Tuloy-tuloy siyang pumasok. Maganda ang tanawing nakikita ng kanyang mga mata. Ang dalawang gilid ng daan ay natatamnan ng nakahililerang malalaking puno ng Mahogany. Halos ay hindi na nakakasingit ang sikat ng araw sa lago ng mga sanga at dahon ng puno. Sa ilalim ng mahogany ay ang hilera ng American Rose bushes. The red flowers were in a full bloom, giving exquisite accent to the soothing green environment.

Nagpakawala siya ng sunod-sunod na buntong-hininga ng matanaw ang dalawang palapag na bahay mga limampung metro ang layo mula sa kanya. Iyon ang ancestral house ng kanyang lolo at lola.

Malawak ang nakatanim na Bermuda grass sa harap ng villa. At ng ilingon niya ang paningin sa gilid ng villa, she saw a mini-helepad and a chopper in it. Nahigit niya ang hininga. His father was indeed a rich man!

Ang lumang villa ay hindi na katulad ng dati. It was fully remodeled. Nagmukha itong elegante ngunit napanatili pa rin ang antigong anyo. The design was still noticeably Hispanic.

Itinigil niya ang sasakyan sa harap ng villa at lumabas ng sasakyan. Bumukas ang malapad na French door at iniluwa ang isang may-edad ng babae na animo ay inaabangan ang pagdating niya. Kaagad na sumilay ang isang ngiti sa kanyang mga labi ng mapagsino ang babae. Si Manang Lucia, ang naging yaya niya noong maliit pa siya at nanilbihan bilang katulong nila sa loob ng mahabang panahon.

“Yehlen!” Halata ang kasiyahan sa may-edad ng mukha nito ng makita ang dalaga. Mabilis nitong sinalubong ang dalaga at mahigpit na niyakap.

“Manang Lucia,” gumanti siya ng yakap dito.

“Akala ko’y nagbibiro lamang si Lando,” ang guard ang tinutukoy nito, ”ng tumawag siya at ipaalam na papasok ka na sa villa. Buong pananabik na hinagod nito ang buhok habang yakap siya. “Tiyak na matutuwa ang Papa mo sa pag-uwi mong ito Yehlen.”

Natahimik siya sa sinabi ni Manang Lucia. Nakita niya ang matinding kaligayahan sa mukha nito at may namumuong butil ng luha sa gilid ng mga mata. She sighed. “Nasaan ang Papa Manang Lucia?” Hindi niya alam kung papaano magrereact sa komento ng babae.

Bahagyang nagkalambong ang mga mata nito. “Isinugod sa St. Lukes ang Papa mo kaninang umaga at sumasama ang pakiramdam. Ang sabi ni Sir Drix ay mabuti na ang kalagayan ng iyong ama at mamayang gabi ay uuwi dito sa rancho.” Muling kumislap ang mga mata nito ng titigan ang dalaga. “Halika, pasok ka senyorita. Ipapaayos ko mamaya kila Julia at Luningning ang  mga gamit mo.”

Inakay siya nito papasok sa villa. Namangha siya ng masilayan ang malapad na sala. Hindi ang nangingintab na mga antigong kagamitan ang nakakuha sa kanyang atensiyon kundi ang malaking life-size portrait niya na nasa pinakagitna ng sala. Kuha ang picture na iyon ng magtapos siya sa High School.  At marami pa siyang nakaframe na pictures na nagkalat sa sala. Nagmukhang museum ng kanyang mga litrato ang lugar na iyon. Napailing na lamang si Yehlen.

“Ang Papa mo ang nagpalagay ng mga litrato sa bahay na ito senyorita. Para kahit wala ka dito ay parang nandiyan ka pa rin.”

Sa halip na matuwa ay lihim na napaismid si Yehlen. Pinipigil niya ang sariling baklasin ang mga frames at sunugin. Hindi niya gusto ang ideyang ito. “Nasaan ang silid ko Manang Lucia?” She wanted to runaway from this place or else ay baka hindi na niya makontrol ang sarili.

“Nasa ikalawang palapag. Ang silid na inookupa ninyo kapag bumibisita kayo sa lolo’t lola mo noon.”

Kaagad na inakyat niya ang pabilog na hagdan patungo sa ikalawang palapag. Malapit na siya sa pinakaitaas na baitang ng lingunin ang babae. “Magpapahinga muna ako Manang Lucia. Pagod ako sa mahabang biyahe. Kung puwede ay wag na muna ninyo akong gisingin mamayang gabi. Tiyak bukas na ako magigising.”

CHAPTER 4

TINATAMAD na bumangon sa kama si Yehlen. Nagising siya sa malalakas na katok. Di ba’t ang sabi niya kay Manang Lucia ay ipagpapabukas na ang pagising sa kanya? Inaantok pa siya. Halos ay sa eroplano na siya natulog at napagod sa mahabang biyahe. Idagdag pa ang pagdadrive niya mula NAIA hanggang Batangas.

“Manang Lucia, di ba’t ang sabi ko ay bukas na ninyo ako gisingin?” She said with eyes half closed. Ni hindi niya naaaninag ang pigurang nasa kanyang harapan at inaantok pa ang kanyang diwa.

“Alas otso na ng umaga at nakahanda na ang agahan.”

Kaagad na iminulat niya ang mga mata ng marinig ang baritonong boses na iyon. At lumipad ang kanyang antok ng makilala ang lalaking nasa kanyang harapan. “Anong ginagawa mo dito?” She asked in a hard voice.

Mataas ito at kailangan pa niyang tingalain. Sigurado siyang lampas sa anim na talampakan ang tangkad nito. He looked so refreshing at halatang bagong paligo. Nakasuot ito ng puting t-shirt at kupas na pantalong maong. Lihim siyang napalunok ng mapansing namumurok ang mga muscles nito sa dibdib.

Lumipat sa mukha ng lalaki ang kanyang paningin. Wala sa sariling pinag-aralan ang anyo ng kaharap. He must be in his early thirties. Makapal ang mga kilay ngunit maganda ang pagkakakurba. Maiitim at matalas ang mga mata. Like that of an eagle. Matangos ang ilong at mamulamula ang sensual na mga labi. And when she remembered the passionate kiss they shared yesterday, she flushed in embarrassment.

“Ginigising ka.” Pormal na wika nito habang ang paningin ay lumalakbay sa kanyang kabuuan. Mukhang pinag-aaralan din nito ang kanyang anyo.

Biglang naconscious si Yehlen sa itsura niya ng mga oras na iyon. Sabog ang kanyang mahabang kulot na buhok. At hindi pa siya nakakapaghilamos. Naniningkit ang kanyang mga mata, hindi niya alam kung dahil sa matagal na pagkakatulog o sa namuong muta sa paligid niyon. At dahil pagod nga ng nagdaang gabi ay hindi niya alam kung may marka ba ng laway sa kanyang pisngi.

She wanted to run to the bathroom at linisin ang sarili. Subalit lalong nadagdagan ang pamumula ng kanyang mga pisngi ng mapansing nakatutok ang mga mata ng lalaki sa kanyang dibdib. Tiningnan niya ang sarili at napasinghap ng makitang manipis na pantulog ang suot at bumabakat ang matayog na dibdib sa manipis na tela.

“Oh Shit!” She cursed at mabilis na isinara pabagsak ang pintuan. Wala siyang pakialam kung muntik ng tumama ang dahon ng pinto sa mukha ng lalaki at tumakbo papasok ng banyo. Kaagad na itinapat ang nanginginig na katawan sa ilalim ng dutsa. She stiffened ng marinig ang pagbukas ng pintuan at ang mga yabag palapit sa banyo.

“Make it quick. Your father’s waiting to share breakfast with you.”

Hindi siya sumagot. Saka pa lamang siya nakahinga ng maluwag ng marinig ang mga yabag nitong palabas ng silid at ang paglapat pasara ng pintuan.

KASALUKUYAN siyang naglalakad sa pasilyo ng makita si Manang Lucia. Nakaligo na siya at nakabihis ng walking shorts at maluwang na t-shirt. May dalang bedsheet ang babae.

“Saan kayo papunta Manang Lucia?” Tanong niya ng magkasalubong sila.

Tumigil ito sa harapan ng dalaga. “Papalitan ko ang bedsheet sa loob ng silid mo Yehlen.” Iminosyon nito ang dala.

“Ganuon ho ba.” Sinulyapan niya ang kulay lavender na bedsheet na dala nito. Iyon ang paborito niyang kulay. “Siyanga pala Manang Lucia, sino ba ang gumising sa akin kanina?” Sa wakas ay nasabi niya rin ang laman ng isipan.

“Ah si Sir Drix iyon.” Kaswal na sagot nito na animo’y sanay na sa presensiya ng lalaki.

“Sino siya?” Lumalim ang gatla sa kanyang noo. Napukaw ang kuryusidad sa kanyang dibdib. “Akala mo kung sino kung makapag-utos ah.” Bigla ang pagbangon ng inis sa kanyang dibdib ng maalala ang kaarogantehan ng lalaki.

“Si Sir Drix ang nagmamay-ari sa katabing rancho. Naging magkaibigan sila ng Papa mo limang taon na ang nakakaraan ng magawi ang dalawampung baka sa katabing rancho at personal na ibinalik ni Sir Drix dito. Naging malapit na magkaibigan ang dalawa. At ng bumagsak ang kalusugan ng Papa mo ay siya na ang namahala ng Rancho Isabel pati na rin ng mga negosyo ninyo Yehlen. Parang anak na ang turing ng Papa mo sa kanya. Ang silid na katabi ng sa iyo ay ang silid na inookupa niya kapag nandito sa villa.”

“Oh!” Nawalan siya ng sasabihin. So malapad pala ang ginagampanang papel ng lalaking iyon sa buhay ng kanyang ama.

“Sige anak, aayusin ko na muna ang silid mo. At hinihintay ka na ng Papa mo sa garden para saluhan siyang mag-agahan.”

Sinundan niya ng tingin si Manang Lucia hanggang tuluyan itong nakapasok sa loob ng silid niya at nawala sa kanyang paningin. Pagkatapos ay nagawi sa katabing silid ang kanyang paningin. Iyon ang silid na inookupa ng aroganteng lalaki. Isang nakamamatay na irap ang ipinukol niya sa pintuan as if iyon ang binata.

“Walang buhay ang pintuang iyan kaya walang silbi ang isang matalim na irap.”

Muntik na siyang napalundag sa kabiglaanan ng marinig ang boses na iyon. She closed her eyes in frustration ng makita sa dulong bahagi ng pasilyo ang pinag-usapan nila ni Manang Lucia kanina.

“Naiinip na sa paghihintay ang Papa mo sa garden. Malapit ng mag-alas nuwebe at ginugutom na siya.” His face was hard at mahigpit ang pagkakalapat ng mga labi. “Masama para sa isang maysakit ang malipasan ng gutom.”

“Hindi ko sinabing hintayin niya akong makasalo sa agahan. And besides, ayoko siyang makasalo sa pagkain at nawawalan ako ng gana.” She shrugged her shoulders at naglakad palapit dito dahil nasa likuran nito ang hagdan.

She saw his eyes turned sharper. Kaagad na binaklas nito ang magkabilang balikat niya ng makalapit siya dito. Napangiwi siya sa sakit ngunit sinalubong niya ang matalim nitong titig.

“Be nice to your father Yehlen or I’ll wring your neck,” matatag nitong babala.

“Huwag mo akong diktahan. Gagawin ko kung anong gusto ko.” She fought back. Kung matalim ang titig ng lalaki ay mas matalim ang mga mata niyang nakatitig dito. Never in her entire life na nasilo siya sa isang tao. At wala itong karapatang utusan siya ng dapat na gawin.

Humigpit ang pagkakahawak ng lalaki sa mga balikat niya. Gusto na niyang pumiyok sa sakit but she won’t give him pleasure.

“Huh! Kung hindi ka kayang disiplinahin ng ama mo ay ibahin mo ako. Hindi ako mangingiming parusahan ka kung mananatiling matigas ang ulo mo.”

“Bravo!” She hissed. “Hindi mo na kailangang magpalapad ng papel sa Papa upang pamanahan ka niya ng kanyang mga ari-arian. Dahil wala akong kainte-interes sa pera niya. Sa’yo na ang lahat ng ito! So stop acting like a great son!”

Nakita niya kung paano tumaas-bumaba ang dibdib nito sa matinding galit. Ang isang kamay nitong mahigpit na hawak ang kanyang balikat ay lumipat sa kanyang batok ang pulled some strands of her hair. Her face tilted at kitang-kita niya ang matinding galit na nakabadya sa mga mata nito.

“Isaksak mo ito sa kukute mo Yehlen. I have my own fortune at kailanman ay hindi ko hinangad na pamanahan ni Menandro ng kahit isang kusing sa kayamanan niya. Ginagawa ko ang lahat ng ito dahil sa pagkakaibigan namin.” He pulled her hair even more at mas lalo niya itong tiningala. “And besides you should thank me, huh. Dahil ako ang umaaako sa mga responsibilidad na sana ay sa iyo bilang isang anak.”

“Why, thank you,” she said with deadly sarcasm, gritting her teeth.

“You’re eating my patience brat!”He shook her hardly at pakiramdam niya’y nahilo siya sa ginawa nito.

“Nasasaktan ako…” She said softly.

He stiffened. He saw her reaction at dagling binitiwan siya. She almost lost her balance ng bitiwan ng lalaki at kung hindi siya nakasandig sa pader ay nabuwal sana ang dalaga.

“Damn!” Marahas na tumalikod ito upang kalamayin ang sarili. Maya-maya ay muli nitong hinarap ang dalaga na ngayon ay nakabawi na sa pagkahilo. Mahigpit na hinawakan sa braso. “You’re giving me no choice,” He whispered harshly on her ear. “Now sumunod ka ng mahinahon or padadapain kita at papaluin.”

Pinili na lamang ni Yehlen na manahimik. This man was a beast. At nakakaramdam pa siya ng pagkahilo dala ng ginawa nito. And at that point she was well aware of the fact na hindi siya mananalo sa lalaki. Lihim na lamang siyang napamura. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay ito ang makakalamang.

Hindi siya nito binibitiwan na animoy tatakbo siya anumang sandali. Iginiya siya ng lalaki pababa sa hagdan, papunta sa likurang bahagi ng villa kung saan makikita ang isang well-manicured garden.

Namangha si Yehlen sa nakita. Hindi ganuon kaganda ang likuran ng villa noon. Ngayon ay nagmistulang isang parke ang lugar. Ang mgagandang mga halaman ay may kanya-kanyang espasyo at nakatrim ang mga bushes. Sa gitna ng garden ang malapad na swimming pool at nasa tabi ng pool ay Pavilion. Puti ang dominanteng kulay niyon. At nakita niya ang isang lalaking nakaupo sa wheelchair kasama ang babaeng nakaputi, isang private nurse.

May lumukso sa kanyang dibdib ng masilayan ang ama mula sa malayo. He looked old and ill. He was still in his late fifties ngunit nagmukha itong mas matanda na sa tunay na edad. Now this was the man she hated for ten long years. Pakiramdam niya’y nanigas siya sa kinatatayuan.

“Be nice to your father Yehlen, I’m warning you.” He said softly but firm. Pagkatapos ay inakay siya palapit sa Pavilion, hawak pa rin siya sa braso.

“Nandito na ang anak mo Menandro,” humigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang braso, giving her a strong warning.

“Yehlen, anak!” Masayang bulalas nito ng masilayan ang dalaga. Ipinihit ang wheelchair upang makaharap ang anak.

“Greet your father.” Mahinang utos nito ng makitang natayo lamang siya sa harapan ng ama. “At yakapin mo siya.” Halos ay ipagtulakan siya ng lalaki ng hindi siya tuminag sa kinatatayuan.

Napilitan siyang lumapit sa ama at humalik sa pisngi nito. Inabot siya ng matanda at mahigpit na niyakap. Hindi siya gumanti. Nanatiling pormal ang kanyang mukha.

“I’m glad sa wakas ay umuwi ka na rin ija.” Maluha-luhang turan nito. “Hindi mo alam kung paano mo ako pinaligaya.”

Lihim na napangiwi si Yehlen. Hindi ako umuwi para paligayahin ka. She wanted to scream that in front of the person she hated and cursed. Sinabi niya sa sariling hinding-hindi siya maaawa sa kalagayan nito.

Mas malala ang inabot ng kanyang ina. Namatay itong kalbo at patay ang mga kuko dahil sa matinding chemotherapy. Subalit sa kabila niyon ay hindi pa rin nasugpo ang kumalat ng cancer sa katawan nito. Sukat doon ay umahon ang matinding poot sa kanyang dibdib. Kaagad na pinakawalan niya ang sarili mula dito.

“And she will be here for good.” Si Drix na hinugot ang isang silya at iginiya ang dalagang maupo.

Isang matalim na sulyap ang ipinukol niya sa lalaki. Akma niyang bubuksan ang bunganga upang pasubalian ang sinabi nito ng maramdaman ang masakit na pisil nito sa kanyang binti. Muntik na siyang napasigaw sa ginawang iyon ng lalaki. Hindi dahil sa sakit kundi sa kakaibang sensasyong binuhay niyon sa kanyang katawan. Napabilis ang kanyang pag-upo.

“Now lets partake our breakfast.” Parang walang nangyaring sabi nito at umupo sa upuang katabi niya.

Nakahanda na ang pagkain sa mesa. Heavy breakfast ang nakikita niyang nakahain. Sinangag, piniritong bangus, tapa at sinigang. Meron ding vegetable salad at halatang fresh ang orange juice sa pitsel.

Nanggigigil si Yehlen habang pinipigil ang sariling bulyawan ang lalaki. Pakiramdam niya’y nanginginig pa ang kanyang mga tuhod sa ginawa nito. Ang babaeng nakasuot ng unipormeng puti ay kaagad na pinaglagay ng pagkain sa pinggan si Menandro. Hindi siya nagpakita ng emosyon ng makitang ipinaglagay siya ng pagkain ng binata.

“Kumain ka ng marami anak. Nagpahanda ako ng maraming pagkain para sa iyo.”

“I don’t eat breakfast—“

“Puwes magmula ngayon ay kumain ka na ng agahan. This is the most important meal of the day and you should not miss it.”

Muli ay nakaramdam ng pagkainis si Yehlen para sa lalaki. Nagmistula siyang batang pinapangaralan nito. And she disliked the idea.

“OO nga naman ija. You look so slim. Hindi maganda ang sobrang payat.” Komento ni Menandro sa pagitan ng pagnguya.

Lihim na itinirik ni Yehlen ang mga mata. At ngayon naman ay pinagtutulungan siya ng dalawang lalaki. Lalo tuloy siyang nawalan ng gana. Ni hindi niya ginalaw ang pagkain sa kanyang plato.

“Eat your breakfast. Lumalamig na ang pagkain Yehlen.”

Kaagad na lumipad sa mukha ng lalaki ang paningin niya ng maramdaman ang kamay nitong dumantay sa kanyang binti. Humaplos ang kamay nito sa nakaexpose na bahagi ng binti niya sa suot na walking shorts. Halos magtayuan ang mga balahibo niya sa binti sa ginawa ng lalaki. Ibinaba niya sa ilalim ng mesa ang kaliwang kamay upang alisin ang kamay nito sa binti niya subalit lalong humigpit ang hawak nito. At kitang-kita niya sa mga mata nito ang pagbabanta.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya at inabot ang kutsara’t tinidor. Pinilit niya ang sariling lunukin ang pagkaing halos ay isuka niya. Kaharap niya ang kanyang ama at katabi niya ang pinakaaroganteng lalaki sa mundo, paano siya makakain ng mabuti?

Nang matapos ang agahan ay kaagad na nagpaalam siyang babalik sa kanyang silid. Idinahilan niyang masama pa ang pakiramdam dahil sa jet lag. Alam niyang gusto pa siyang kausapin ng ama ngunit wala siya sa mood na pakiharapan ito. At kanina pa siya sinisilaban sa upuan habang katabi si Drix. Madalas ay nagkikiskisan ang kanilang mga siko. At ang ginawa nitong paghagod sa kanyang binti ay naghahatid sa kanya ng isanlibong kilabot.

KAAGAD na isinubsob niya ang sarili sa kama ng makapasok sa kanyang silid. Bago na ang bedsheet niyon. Halos ay limang minuto pa lamang siyang nakasubsob sa kama ng biglang bumukas ang pintuan. Tumihaya siya upang tingnan kung sino ang pumasok at biglang napatayo ng makita si Drix. Halos okupahin nito ang espasyo ng pintuan. Madilim ang ekspresyon ng mukha.

“Ano ba! Gusto kong magpahinga,” angil niya. “Go away Drix.. pls..” Subalit hindi siya nakikiusap kundi nag-uutos.

“Sana’y hindi ka na umuwi kung maging kasinlamig ng yelo ang pakikitungo mo sa iyong ama.” Tuluyan na itong pumasok ng silid at isinara ang dahon ng pinto.

Yehlen closed her eyes in frustration. “Kagaya ng sinabi ko’y hindi ako umuwi upang paligayahin ang aking ama. So don’t expect me to be nice to him.” Bigla siyang napaupo sa kama ng makitang lumapit ang binata.

“Ganyan na ba katigas ang puso mo?” Tumigil ito in front of her.

Dahil nakaupo siya sa kama ay kailangan niyang tingalain ang matangkad na lalaki. “Ang magaling kong ama ang dahilan kung bakit naging bato ang puso ko! At wag ako ang sugurin mo. Isa pa kung hindi kayo mapilit ay hindi ako uuwi. At ngayon namang umuwi na ako’y marami ka pang demands!” She faked a yawn. “Mabuti pa siguro’y bumalik na ako sa Amerika bukas.”

Before she can blink her eyes ay tumapat ang mukha nito sa mukha niya. Ang marahas na hininga nito ay tumama sa kanyang mukha. Nakayuko ito sa harapan niya upang magpantay ang kanilang mga mukha.

“I’m sorry to tell you this sweetheart, ngunit hindi ka na makakaalis sa lugar na ito. Mananatili ka sa piling ng iyong ama hanggang sa kahuli-hulihang sandali ng kanyang buhay.”

Bagamat hindi siya hinahawakan ng lalaki, pakiramdam ni Yehlen ay bihag siya ng kapangyarihan nito. Malapit na malapit ang kanilang mga mukha at damang-dama niya ang init na nagmumula sa katawan nito.

She raised her face angrily. “At ano ang gagawin mo? Itali ako at ikulong sa silid na ito upang hindi na makaalis sa lugar na ito? Dahil tinitiyak ko sa iyong bukas na bukas din ay babalik na ako ng Amerika.” Her face raised a challenge.

“Hinahamon mo ba ang kakayahan ko Yehlen?” Tumaas ang kamay nito to hold her chin. Ang isang kamay nito ay dumako sa kanyang leeg, making a feather light touch that sent shivers to her body. Naglandas ang kamay nito sa kanyang leeg pababa sa puno ng kanyang dibdib.

Napasinghap si Yehlen. Her eyes softened at biglang namungay ang mga mata.

“See…” He smiled sympathetically. “Ako lang ang may kakayahang iparamdam sa ‘yo ang ganito, hindi ba?” Buong yabang na turan nito. And his fingers teased the tip of her breast na hindi naging sagabal ang suot na bra at damit upang maramdaman ang pagsigid ng kilabot sa kanyang katauhan.

Sunod-sunod ang kanyang naging pagsinghap as if she was chasing her breathing. And her nipples seemed to harden under his fingers.

“I’m glad hindi pa ganap na naging bato ang puso mo,” he whispered huskily. “At hindi pa rin kumukupas ang charms ko.” Pagkuway ngumiti ito ng nakakaloko.

“Bastard!” Subalit muli siyang napasinghap ng maramdaman ang tuluyang pagsakop ng kamay nito sa kanyang dibdib. Lumiyad ang kanyang likod as if giving him full access to touch her breast. Sa loob ng ilang minuto’y nawala siya sa kanyang sarili. Naramdaman na lamang niyang nakalapat na ang likod sa malambot na kama at nakadagan sa kanya ang binata.

“Don’t leave Yehlen,” anas nito habang hinahalik-halikan ang kanyang dibdib. Her t-shirt and bra are still intact ngunit pakiramdam niya’y hubad siyang hinahalikan ng binata. The tickling sensation brought by his lips was like narcotic in her blood, setting her temperature afire. “Stay with your father. Stay with me.” Ang halik nito ay gumapang pataas, patungo sa kanyang leeg at tumagal sa kanyang batok.

Pakiramdam ni Yehlen ay nawala siya sa katinuan ng mga sandaling iyon. How could his kiss be so lethal? Pakiramdam niya’y muling bumalik ang kanyang kainosentehan. This was the first time she lost herself in a mere kiss. Kadalasan ay control niya ang damdamin. At alam niya kung kailan titigil. Hindi katulad ngayon. Pakiramdam niya’y wala siyang control sa sariling damdamin and that hindi niya kayang supilin ang naghuhumiyaw na atraksiyong nararamdaman niya sa lalaki.

‘Leave Yehlen…and you’ll never feel heaven in my arms again…”

Sukat doon ay mapaklang ngumiti si Yehlen. Surely this man was the haughtiest man in the world. At ano ang tingin nito sa sarili? God’s gift to women? She made no attempt to move. “Lust Drix… This is all but lust. And don’t worry, you are not the only man who can make me feel like a sex starve woman. I have couple of boyfriends in the States who can make me crawl with desire more than you do.” She said coldly na parang balewala iyon sa kanya.

Nakita niya kung paano tumigas ang mukha ng binata sa kanyang sinabi. Parang napapasong binitawan siya nito at walang sabi-sabing lumabas ng kanyang silid. Lumagabog ang pintuan ng sumara iyon.

“YES TITA, nandito na ako sa Rancho Isabel. Kahapon ako dumating.”

“Mabuti naman at umuwi ka Yehlen. Hindi mo alam kung paano mo pinaligaya ang iyong ama.”

“Umuwi ako upang tuklasin ang katotohanan sa sinabi ninyo Lita Lerma, hindi upang paligayahin si Papa.” Sandali siyang tumigil sa pagsasalita upang payapain ang nagngangalit na damdamin. “Nandito na ako sa Pilipinas, ngayon ano ang dapat kong malaman tungkol sa Mama?” Inayos niya ang pagkakadikit ng cellphone sa tenga. “I want this quick and fast. Hindi ko maiwanan ng matagal ang pamamahala sa restaurant to my assistant manager.”

“Kahapon ka lang dumating Yehlen ngunit nagmamadali ka ng bumalik ng Amerika.” Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Lerma. “Gusto ka pang makasama ng Papa mo ng matagal.”

“Tita hindi ako umuwi para makapiling si Papa. Pinagbigyan ko na kayo. Now its your turn to explain what I need to know about my mother.”  Mahabang katahimikan ang namagitan. “Tita?” Naiinip na siya sa paghihintay.

“Si Menandro ang tanungin mo. Siya ang nakakaalam ng lahat.”

“Are you setting me up with my father?” Bahagyang tumaas ang timbre ng kanyang boses.

“Hindi Yehlen. Hawak ni Menandro ang Diary ni Isabel. Ibinilin ni Isabel sa akin na ibigay ko kay Menandro ang diary niya pagkatapos ng kanyang libing. Nakasealed iyon at si Menandro lamang ang puwedeng bumasa. Wala akong alam. Tanungin mo ang Papa mo ija. Siya ang nakakaalam ng lahat.”

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Yehlen. May Diary ang kanyang Mama? Wala siyang alam tungkol sa bagay sa iyon. At ngayon ay kailangan niyang kausapin ang ama tungkol doon. She better make it fast para makabalik kaagad sa Amerika.

“Sige Tita. You’re leaving me no choice but to talk to my father. Okay, I’ll talk to him soon. Dahil gusto kong matapos na ang isyung ito at makabalik sa Amerika sa lalong madaling panahon.”

“Pero sana Yehlen ay makadalo ka sa kasal ng pinsan mo. Matutuwa si Maristel kapag dumalo ka. Balak ka niyang kuning isa sa mga abay.”

“Dadalo ako sa kasal ni Maristel Tita Lerma. Bago ako babalik sa Amerika ay dadaanan ko kayo. Tatawagan kita uli. Sige bye Tita.” Iyon lang at pinindot niya ang button for end call.

Malungkot na tinanaw niya ang malawak na lupain ng rancho na nakikita niya mula sa verandah. Mula sa kinatatayuan niya ay nakikita niya ang magandang hardin at ang malawak na pool. Sa malayo ay ang malapad na lupaing sakop ng rancho.

“Pag-aari mo ang lahat ng nakikita ng iyong mga mata. Ikaw ang nakatakdang magmana ng lahat ng ito.”

Hindi na niya kailangang lingunin kung sino ang nagsalita. Binabantayan ba ng lalaki ang bawat kilos niya?

Tiningnan niya ang suot na relo. Alas-singko na ng hapon. Ang sabi ni Manang Lucia kanina ay umalis ito mga alas onse ng umaga upang bisitahin ang Monteviste Manufacturing Corporation.

Bukod sa textile industry ay pinasok rin ng kanyang ama ang pagawa ng mga delatang produkto kagaya ng corned beef at beef loaf. Ang lupaing minana ng kanyang ina ay pinagyaman nito at ginawang rancho kung saan nanggagaling ang supply ng karne at iba pang raw materials para sa Cannery. Sa dulong bahagi ng rancho malapit sa main road ang planta. Katunayan ay nadaanan niya iyon kahapon.

Pormal na nilingon niya ang binata. “Hindi mahalaga sa akin ang kayamanan ng Papa. Puwede niyang isama sa hukay ang lahat ng pera niya.”

“You’re starting a fight again Yehlen…” He said in a cold tone. Kanina ay casual ang expression ng mukha nito. Ngayon ay biglang napalitan ng pagdidilim.

“Dahil iyon ang totoo.” She said matter-of-factly.

“Alam kong may naipundar ka na rin sa Amerika ngunit ang lahat ng pagsisikap ng ama mo ay para sa iyo Yehlen.” Malungkot na tinanaw nito ang malawak na lupain.

“But I don’t want anything that has something to do with my father.” Inalagay niya sa loob ng bulsa ang hawak na cellphone. Sumunod ang paningin nito sa hawak niya.

“Anong pinag-uusapan ninyo ni Tita Lerma?”

“My God!” She rolled her eyes. “Your eavesdropping. Hindi bagay sa iyo—“

“Tungkol ba sa diary ng iyong Mama?”

“May alam ka sa diary ng Mama?” Now that caught her attention.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ng lalaki. “Iyon ang pinakamahalagang bagay na itinatago ni Menandro. Iyon na lamang ang natatanging ala-alang iniingatan niya mula sa iyong Mama, maliban sa iyo of course.”

“Kailangang makausap ko ang Papa tungkol sa diary ni Mama. Dahil iyon ang dahilan kung bakit umuwi ako ng Pilipinas.” Akma siyang aalis upang hanapin ang ama ng pigilan siya nito sa mga braso.

“At pagkatapos mong malaman kung ano ang nakasulat sa diary ng iyong Mama ay ano ang susunod na gagawin mo?”

“Babalik ng Amerika.” She answered plainly. Ipiniksi ang brasong hawak nito subalit hindi iyon pinakawalan ng binata.

“Your making it hard on your father’s part Yehlen. Hindi maganda ang ipinakita mo sa kanya kaninang umaga. Dinamdam iyon ni Menandro at sa halip na matuwa at nagbalik ka na ay mas lalong nalungkot ang iyong ama dahil hanggang ngayon ay galit ka pa rin sa kanya. Muli siyang isinugod sa St. Lukes dahil sumusikip ang paghinga.”

“Oh!” Natutop ni Yehlen ang bibig. Pagkatapos niyang mananghalian kanina ay nagkulong na siya sa kanyang silid. Hapon na ng lumabas siya at tinungo ang verandah upang tawagan ang kanyang Tita Lerma. Ni hindi niya napansing isinugod sa ospital ang kanyang ama.

“Siguro ngayon ay masaya ka na sa pagdurusa ng iyong ama?” Puno ng sarkasmo ang tinig nito. “Kapag may nangyaring masama sa ama mo tiyak na hindi ka patatahimikin ng iyong konsensya.”

Natameme si Yehlen. Hindi alam kung ano ang sasabihin. Oo nga at galit siya sa kanyang ama ngunit hindi niya ninais na siya ang maging dahilan ng kamatayan nito. Sa kabila ng lahat ay utang niya ang buhay dito.

“Pansamantala ay titigil muna sa St. Lukes si Menandro. His health is still unstable. At hindi makabubuti sa kanya na makita ka at maramdaman ang malamig na turing mo sa kanya. Ikaw ang dapat sisihin kung anuman ang masamang mangyari sa iyong Papa!” Marahas na binitiwan nito ang kanyang braso at tinalikuran siya.

Wala na sa harapan niya si Drix ay nanatiling tulala si Yehlen. Aandap-andap ang kalooban sa narinig na balita.

Ikaw ang dapat sisihin kung anuman ang masamang mangyari sa iyong Papa!

Ipinilig niya ang ulo sa parteng iyon. Hindi yata niya matanggap na siya ang magiging dahilan ng paglala ng karamdaman ng ama.

91 Responses to “Passionate Encounter”

  1. haha.. as the title suggest this story is super duper craazzzyyyy. crazy bed scene that i laughed everytime i think of it and lovin it at the same time. you’ve got one kind of a talent sharon. napakagaling. ilang beses ko binasa at hindi nakakasawa. isa sa pinakamagandang story na nabasa ko.

  2. mia travilla Says:

    bitiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiinnnnnnnnnnn….anu ba? gs2 ko malaman bout sa diary ni isabel pleassseeeeeeeeeeeee…..lpleaseeeeeee, thank you!

  3. mia travilla Says:

    sha sha….nangungulit lang po!

  4. graet great so great…hahaha, super crazy nga! i’ cried a lot…..thank you sha sha!!!

  5. sharonrosecatalan Says:

    The Heroine in this story is my dear friend Yehlen Galamgam. a very unique name for a very sweet personality. Though the story was fiction, she liked it nonetheless.

  6. maganda. wala ako masabi. nakakainlove. nakakainspire. one of your best novel. although lahat ay nagustuhan ko. you’re great. simply great.

  7. you’ll sure to create ripples of threats amongst the already established writers. have to agree magaling nga. puwede ka ng ihilera sa mga pinakamagagaling na manunulat sa bansa. im ur fan na. more power!

  8. sharonrosecatalan Says:

    hi devastated! i dont want to put myself into that situation. there’s only two Tagalog Romance writer’s who captured my fancy, Jorina Reyes and Martha Cecilia. Nanghihinayang nga ako at hindi na nagsusulat si Jorina but Martha is still there. Compare to them wala akong binatbat. But I’m not competing to anybody. I’m done with people competing with me all my life (yabang no? haha!). And I did not like to be in a mess because of competition. kung ano lang ang kaya ko yun lang ang maibibigay ko. although i make sure that it will be good according to my standards.

  9. you’re very promising. halos kasing galing mo na nga ang mga batikang manunulat natin ngayon eh. and mas may spice yung gawa mo. para sa akin mas magaling ka. base sa mga nabasa ko ha.

  10. sharonrosecatalan Says:

    salamat naman arlene. kakainspire naman yang sinabi mo. dnt wori pagbubutihan ko pa sa mga susunod na gagawin ko. *wink!

  11. sharonrosecatalan Says:

    ayan na post ko na po ang full copy ng crazy in love

  12. Im Crazy In LOve with Joel.

  13. crazy mo mukha mo!

  14. bakit pinalitan?

  15. sharonrosecatalan Says:

    hehe… title lang naman iniba Mia eh. The publisher decided to change it. anyways… out na po sa market yan mare…

  16. Have a nice day. Thank you sa pocketbook. Ang galing u naman. You’re very promising! great! Parang pwede mangyari in real life ang story, kahit na fiction lang pero napakaganda. Swerte naman ng kumare ko. San ka ba niya nahanap? At nagkaroon siya ng instant friend? Parang imposible pero totoo nga ang sinasabi niya noon samin ni mommy. Good luck! THANK YOU.

  17. people meet at the most unexpected places and there are friendships that are formed in a not so traditional way. modern technologies bring people closer than ever. contrary to wat u say, i am actually lucky for having mia as a friend. at salamat sa papuri! ur always welcome.

  18. tama u Sha,im lucky to have mia too,i have one copy too if he have pocket book from u….ill rather keep all pocket book i have in the office kasi nang masalanta kami ng bagyo last june nasama ung isa…..i found it halos marumi nai try to wash it….di na makaya……kaya lahat tinago q dito sa office pati ung mga ojt namin happy too read it.

  19. hehehe…. lucky tayo lahat kay Mia no? anyways im about to go na. tnx for everything. and sa pag treasure ng mga novels ko. goodluck sa mga lovelife nyo.. hehehe…tc

  20. nakz!!!!! parang totoo ah!! hehehe….pero salamat gd kaayo, sa wakas may nagdayaw gid man sa ako…!

  21. siyempre totoo no! hehe… sin-o pa abi magdayaw sa imo kundi kami eh.. haha! musta ka naman?

  22. thanks sha..

    dto naman me ulit hehehhehe
    i dont want to comment anything hehhehe peace ng mamadali lng poh malaman ang ending….
    sa akin lng ma suggest ko.. maslalo pa itong maganda kng mabsa ko na ang next chapter nito..

    hehehehehe sumakt na mata ko pro ayaw ko pang matulog ha.. ayaw me kc ipa next day pa eh..

  23. hahaha! don’t worry kasama ito sa books na ipapadala ko sa iyo. malalaman mo rin ang ending.🙂

  24. sha tagal hehehe hindi ko pa na rciv xcited na tlaga me.. parang ayaw ko pa mag basa ng iba gusto ko muna matapos eto hehehehe…

    musta na kaya c mia hindi na nag paramdam dto ah…

    tampo ka sakin mia? bati na tau dba? hahahahaha mwah mis u hir

    we mis u.. ingat ka

  25. malapit mo na mareceive yan ah. patience lang ah.. hehehe…

  26. ayan sha rciv ko na hahahaha ng hihintay nman ako eh ikaw pa ang lakas mo sa akin… hehehehehe basta pag na rciv no na ung pinadala mo skin eh promote ko dto yan hahahahaha…

  27. sha????????????
    wla pa rin.. saan na kaya un ng punta? subra tuloy xcited ko hehehehe🙂

  28. antay lang po… on the way n yun ah… hehehe… suspense lang yun…

  29. antay lang po… on the way n yun ah… hehehe… suspense lang yun…

  30. cnu surprise tlaga ako nyan lagi n sha.. yan pa nman ang gusto ko hahahaha.. tagal talaga nun sha.. mga 2months pa ata un eh.. pag galing jan sa atin.. mga sulat ko nga eh angbgal tlaga.. pro pag dto galing 2weeks lng yan.. sge ok lng ah🙂

  31. patience is a virtue.. hehe… natanggap ko na pala yung postcard. parang gusto ko na talaga punta jan. Maganda siya and parang peaceful despite of the sprawling development.

  32. patience nman ako sha ah.. ok pra tlaga sau yan hehehe my date pa yan nung bday mo hehehe😀

    maganda dto sha peaceful nman tlaga dto wla ka my narnig sa news na mga gulo wlang cremin dto ang mga pulis wlang baril kc wla nman gulo.. at kahit mag lakat ka kahit madaling araw wlang masamang magyari sau.. nkakamis lng tlaga ang food at family hayyyy nku

  33. talaga? ang ganda naman talaga diyan. iniinggit mo tuloy ako… hehehe… kung pwede nga lang mag-walis tingting na lang papunta jan. at leat yun walang gastos sa gasolina… haha! at walang bayad sa pamasahe…🙂

  34. peaceful nman kc ang place at daming tourist.. naku sha wag mung sabihin yan baka nga mas maganda pa ang place na puntahan mo hehehe bka mkapunta ka sa london yan ang dream place ko hehehe…🙂 mabait nman ang mga british ung problema ngalang hindi talaga cla magpatalo kahit kanino…hehehe

  35. london? mas maganda yun ah. basta gusto ko sa Italy… yung maraming mga architectural buildings. yun ang interest ko.

  36. mas maganda nga ang italy sha… sa italy makita mo lahat eh sbi nga nila skin ung anak n olga ang italy daw ang pinka mayaman na country sa boung mundo… jan na halat sa kanila… clothes, fud, wine fruits dami pa…especially ung place ganda ang history pa nya mag building jan parin eh.. 5days nga cla joan dun.. lagi nman yan cla nag tour eh..nung august sa spain.. dba mga sosyal.. pro mga kuripot mga maltese.. yan ang ayaw ko tlaga.. khit mayaman eh khit 50c. utang mo bayaran tlaga.. d katulad stin.. ayaw ko lng ung attitude nila pag kain sa labas kkb talaga kahit magkapatid pa kau ur nanay mo pa.. ok lng eh ganyan cla eh

  37. abaw…sa pilipinas ka gidlang nagdako pero! ti diri sa pilipinas kkl man ah! kanya kanyta lamon! hahahhaaaaaaa

  38. hehehehe mia ako gnhambalan mo? hehehe sa pinas gd man ako nag dako te sa pinas man ko eh.. mas nmi man ang pinas sa place ntun da.. hehehe musta kna? dugay ka haw? mis ka na namun poh🙂

  39. hehe.. die hard yan si Mia sa kanyang bayang sinilangan. naks ang lalim ah.

  40. babyjaceyrhae Says:

    die hard nman tlaga yan.. hehehe xempre sa pinas parin tau dba? kahit magulo ok lng… pra mo narin yan mga magulang eh hindi mo cla pinili pro pinili ka nila… kahit anu pa cla kasama magulang parin natin cla.. kya support nlng tau sa ating country dba who know may magbabago.. ang pag babago nman nag start yan sa ating eh sarili… ang lalim anu? hehehe

  41. tama! ang lalim. mga patriots yata kayo eh.

  42. […] Nakakalimot Ang Puso Passionate Encounter Forever In Your Eyes Noon, Ngayon at Kailanman Let Me Love You If Hurting Is Loving Possibly […]

  43. gud morning poh….pwede poh bang basahin ung buong story…..tnx poh…god bles and mor power…..

  44. hi meng! pls read my rep sa forever in ur eyes link…

    thanks for visiting. tc! c yah often….

  45. very passionate story, ano kaya ang nilalaman ng diary?…..thanks ate sharon

  46. sharon rose Says:

    hehe… secret ang laman ng diary… haha!

  47. gush! bagay tlaga ang title sa story passionate tlaga ang kanilang encounter hehehe

    ka2bitin…..U

  48. sharon rose Says:

    hehe… palagi akong natutukso ng mga friends ko dahil sa novel na ito. natatawa tuloy ako. ang bida pa naman sa story na to ay isang kaibigan na napakahinhin at relihiyosa. tapos ginawa kong madugo ang love scene… haha! kasi ba naman ginawa ko to as a revenge. nang ipasa ko ang hindi nakakalimot ang puso, i received a feedback na malamya daw ang romance. ayun, nachallenge ako. sabi ko kaya ko din namang gumawa ng total romance, haha! kaya ang nangyari, naging madugo ang love scene sa story na to. anyways, hindi naman sana ganyan iyan. kaso may mga chapters na tinanggal kaya ang nangyari, ang mga pages na natira ay halos may love scenes.🙂 anyway, that friend of mine told me na iyong roomate niya ay gustong-gusto ang story na to. at nakatupi lahat ng mga pages na may love scenes. ang lakas tuloy ng tawa ko nun. and pinapabasa siya ng Hindi Nakakalimot Ang Puso, ayaw daw niya kasi walang masyadong love scenes. when i wrote this story, inihanda ko na ang sarili ko sa mga kritisismo. one friend said that porn daw ang isinulat ko. para di ako magreact ng bayolente, dinadaan ko na lang sa taw. hehe… ok lang kasi nagustuhan naman daw nila. yun na lang ang konsuwelo ko.🙂

  49. tlaga po miss sha? pro depende nman po cguro xa sa reader…
    pero tingin ko po nice nman po ang story khit di ko pa nbasa lahat hehehe
    ok lng nman po if npakaraming love scenes or wala po masyado ka2lad ng sinabi nyo malamya heheh ang isang story as long as maganda ang flow…and base sa nbasa q here khit di pa tapos very nice xa at nka2excite at saka ung hndi nkakalimot ang puso pareho lng po cla…

    basta miss sha i think po nice tlaga mga stories mo..and 4 me d best po kau na writer…hehehehe

  50. Majang_chan Says:

    Gosh. I really like the story. Ah.. I cant explain but its nice to know si fren ay great writer pala.. specially on there first churva scene.. its not not sensual, its amazing with the twist of maturity …. fantastic!
    I want to read more of the books!
    san mo nakuha ung characteristics ng leading man, gosh.. It’s every female’s dream…..(“,)

  51. sharon rose Says:

    tama ka ecarg… depende naman yun sa story. actually kelangan yun sa story. di naman yun basta pinilit lang para magkaroon ng love scene… hahaha! siyempre dapat feel na feel at maapreciate…🙂

    this is my first attempt to write mature stories. well, di naman siya pangit, hehe… buburahin ko lahat ng natype ko if pangit. ako kasi ang unang nagbabasa. and if di okay sa akin, as a reader, mas lalo na sa iba. kaya dapat papasa muna sa akin.

    uy thank u ha at pingtnggol mo ang story na ito. hehehe…

  52. sharon rose Says:

    hi majang-chan! whats with the name?hehehe… mukhang pangalan ng cartoons pero di ako pamilyar e. uy mae thank sa comment, hehehe… magboys hunting uli tayo.. hahaha!

    about sa ideal man… well kaya nga siya tinwag na ideal man. means near to perfection, lalo na in physical aspect. wala lang, iniimagine ko lang yung guwapong lalaki na gusto ko— sa pangarap lang… hehehe… yan ang maganda sa pagsusulat, nagagawa mo ang anumang gusto mo. oh well, ive seen a lot of handsome people. isa sila sa mga inspirasyon ko. and sinusulat na lang siya in a way na guwapong-guwapo ang kalalabasan. i guess, its the way how i describe. kasi parang nakikita mo talaga ang mukha niya. siyempre para magkaroon ka ng visual interpretation.

    kita-kits na lang sa office everyday!

  53. basta po kau ate sha…u po kc one of my fav writers…

    miss sha pwede ko po ba mbasa ds whole story? if pwede lng gus2 q kasi mlamn ang kahihinatnan ng story nila Yehlen at Drix..if pwede lng po …U

  54. ai mali ate sha pala..cenxa na po nasanay naq ng miss sha..hehehe

    pwede po ba ate sha?

  55. sharon rose Says:

    hehe.. oks lang. whatever u like to call me. si ikay nga senpai ang tawag sa akin…🙂 sounds weird but its okay. hey, alam mo bang si ikay ay writer din? if u have time, bumisita ka sa top. marami siyang mga naisulat dun.

  56. hi ate sharon..long time no visit ako..ehehe…busy kasi..ang ganda ng preview..pwede pabasa?hahah..juk..pero kung ok lang po..ito ulit email ng insan ko..faye_umali18@yahoo.com..tnx..

  57. -.-

  58. hi,kmusta po?pwede po ba mabasa ang whole story nito?

  59. ito po email ko,pantihoneylyn@yahoo.com….tnx2

  60. hi! galeng2. kainis, bitin! (ofcourse). im a writer too (trying). yeah, MC is great! she’s my hero (heroine) too.
    really, you got it right… w/your very own style. pagdating sa passionate expression of love, which is a must sa romance, e weakness ko na – haha. so here i am trying to understand how romance novels work… kala ko simple lang since wala masyadong twist – what you expect is what you get. but i was wrong, the road is not that smooth. regards and more powerssss!!!

  61. hi Oneth! Maraming salamat sa papuri. Fan ka rin ni MC? wow! miyembro ka ng eirycat?

    nagsusulat ka rin? that’s nice. writing is a passion and once you have completed a story, hindi matatawarang kaligayahan ang mararamdaman mo. Just continue with what you’re doing. You’ll be there beside MC someday… hehe…

    most people thought that writing is easy, lalo na ang romance. pero pinaghihirapan yan. ang romance pag hindi maganda ang pagkakagawa, walang kagana-ganang basahin. it deals more with kilig factors. you need to make your readers fell in love. at hindi madaling gawin iyon. madaling gumawa ng kuwento. but a captivating romance story is not that easily written.

    salamat sa pagdalaw. More power to you as well!

  62. Keep working ,great job!

  63. Hi Extense!

    Thanks for visiting! TC!

  64. Hi there, I found your blog via Google while searching for first aid for a heart attack and your post looks very interesting for me.

  65. hello po… nabasa po ako ng mga stories dito sa website ‘nyo.. and it made me more proud of the talents of Filipino writers.. i havent read yet any of your books.. do you have a site po ba na complete ang manuscript?? or ask ko na lang po sana where can i purchase your books.. keep up the good work..;)

  66. hello.. nagbabasa po ako every night ng mga articles dito.. hope i could read the entire story kasi it’s so kabitin.. thanks for sharing your talents.. hope i could read the story bago mag sem break.. ask ko lang po if this story is published and where can i purchase it.. if not please send me a copy of the whole story of your novels.. thank you so much.. here’s my email: jennylynnandres@yahoo.com . thank you so much..

  67. Hi Jaja! thanks for lurking here at my webbie. Yes, this was already published under my special valentine. copyrighted and paid na. but malapit ko na makuha ang ilang copies so i can send you a copy. pakiantay na lang ng konti. thanks again for appreciating my novels. nice meeting you. tc!

  68. hi, thank you so much..

  69. hi, thank you so much.. God bless

  70. hi ate sha…anu poh pada2lhan u poh bah akoHh?? sayang d q pah nababasa 2 ehhh..huhuhu more power ateh

  71. Hi Ms. Sharon Rose. Nabasa ko one time itong nobela dahil naisipan ko lang bumili ng tagalog pocket books. Very catchy kasi iyong title and that time I really want something romantically intense na story. Hindi ako nagkamali and it’s really head turning and spine chilling! Sa sobrang intense ng mga emotions, nandun iyong wanting and needing ay tumaas ang balahibo ko sa mga braso ( he,he)…very good romance story.
    Congrats and more power!

  72. HI Ms. Sharon Rose. Maganda ang story nito and nagustuhan ko.
    More power sa iyo and more success to come.

  73. Hi Ces! Thanks a lot for liking Passionate Encounter. this is my very first novel na daring… hehehe… the title denotes itself… haha! tawa ako ng tawa dito eh. kasi ba naman yung babaeng charcter nito na ginamit ko ang pangalan napahinhin…

    salamat sa pagbisita. see yah again!

    tc and godbless!

  74. Excellent.. is it alright if I link to this post from my site?

  75. Life is like riding a bicycle – in order to keep your balance, you must keep moving. ~Albert Einstein

  76. Incredible.. I fully agree with this perspective

  77. Wow!, this was a real quality post. In theory I’d like to write like this too – taking time and real effort to make a good article… but what can I say… I keep putting it off and never seem to achieve anything

  78. Desire to find out much more about the similar. Do you have more data?

  79. Firstly, thanks for this post. Although I never post any comment on any blog but this time I though I should appreciate your good effort and ask you to keep going. I just loved being here.

  80. Hey people, neat forum I have found It truly accommodating and its helped me out so much
    I hope to contribute & support others like this board has helped me

    _________________
    [url=http://iphoneusers.com/]unlock iphone 4.0[/url]

  81. Je vous presente un nouveau blog qui vient d’ouvrir sur le theme de la mutuelle vous trouverai toutes les infos utiles
    [url=http://mutuellecompareo.blogspot.com/]blog mutuelle[/url]

  82. I need to hear what Glen will do about that???

    -Sincere regards,
    Alba
    mulholland insurance agency

  83. Great to meet you essential post on Passionate Encounter Sharon Rose letozvahlwrixm.

  84. hi po. tagal ko na di naka2daan sa page na toh🙂 pero love ko padin ang mga stories mu ate. sana madami pa po kau masulat na magagandang stories🙂 take care🙂

  85. tagal ko na di navi2sit tong page na toh🙂 anyway kaninang galing akong mall i try 2 look some of your works ate sha but wala sila kainis. nxt wik pa dao ung su2nud na delivery. kastress. i really really like ur books pu🙂 keep it up🙂 take care🙂

  86. hi po
    ang ganda po ng story nkakabitin…
    pwede po ba mbasa buong kwento?????

  87. ruby jane Says:

    haha..how nice

  88. wala na po b tlga katuloy to , hehe nasa labas kc aq ng bansa eh online lng aq nakakaba😦

  89. Sorry earl.. yan lang eh.😀

  90. baka naman poh pedeng makahingi ng copy nitong passionate encounter…please!!!…kahit etong lang poh…walang mahanap na copy nitoh kc talaga eh.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: