New Year! New Novel!


Happy New Year to everyone! 2011 has been an exhilarating ride for me! But all in all, everything’s great! And I’m looking forward to a more fruitful and success-packed 2012!

And since its a new year, here’s a new novel for you! Enjoy!

My Sexy, First Romance
Prologue
Naya instantly gasped for air the moment his hungry lips left her now bee stung lips. He ravished her mouth for like eternity and sipped her sweetness until she was whimpering and craving for something more delighting. But only to moan softly as his lips nibbled her receptive flesh and shadowed wet kisses down her smooth neck.
Muli ay umikot ang mundo niya, nalasing ang diwa niya. She tried to grope for sanity but lost the battle as she found herself deeply sunk in a sea of sweet surrender. Thunderbolts shook her whole being as his hot mouth pleasured her tingy flesh.
She felt hot as if she contracted a flue. She whimpered as she felt something deep within her, such monstrous sensations, started to collect together and was now threatening to consume her body and soul.
Her back arched as his blazing mouth covered her pert nipple while his hand slipped between her thighs. She was hot and wet down there as his finger delved between her folds. Naya screamed in ecstasy as his mouth suckled her breasts alternately while his finger stroked her wonderfully, erotically.
Passion suddenly rose to fever pitch as she tried to reach for the unreachable, for that sweet tormenting rupture only he can initiate. Her hands grasped his thick mane of silky hair. She was looking for something to hold on to as she succumbed to a mind blowing orgasm. She felt her body trembled.
“Tristan!”
Naalimpungatan si Naya. Nananaginip na naman siya. She was breathing hardly as she tried to compose herself. Tumutulo ang pawis sa kanyang noo.
Oh dear, but she was having wet dreams again!
Hell no! It wasn’t wet dreams but a nightmare! Yes, it was all but nightmares! She groaned hard in frustration.
Bumangon siya sa kama at pumasok sa loob ng banyo. Naghilamos siya ng mukha sa lavatory. Humugot ng towel at nagpunas ng mukha.
Pakiramdam niya ay nanghihina siya ng muli siyang nahiga sa kama. She stared blankly at the ceiling. Bakit dinadalaw na naman siya ng panaginip na iyon? Napapanaginipan niya ang tagpong iyon noon. Halos gabi-gabi. Ang akala niya ay tuluyan na niyang nailibing sa limot ang nakaraan nila ni Tristan. Mag-iisang taon na ring tahimik ang gabi niya. Until tonight.
Siguro ay kailangan na niyang bumalik sa pagyoyoga para muli siyang magkaroon ng peace of mind. Para tuluyan na niyang maibaon sa limot ang lalaking nanakit sa damdamin niya ng sobra-sobra apat na taon na ang nakalilipas.
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya. Bukas na bukas din ay mag-uumpisa na siyang magyoyoga uli.

Chapter 1
“ATEEEEEE!!!!!!!!”
Napabalikwas ng bangon si Naya. Mabilis pa sa alas kuwatrong napasugod siya sa banyo at may bitbit ng isang balde ng tubig paglabas niya. “Nasaan ang sunog?” Humihingal na tanong niya sa kapatid.
“Walang sunog ate,” natatawang turan ni Jenna. Tuwang-tuwa ito habang nakatingin sa kapatid.
Kaagad na uminit ang ulo niya. “Eh bakit daig mo pa ang bumbero kung makasigaw, ha?” Singhal niya. “Buong akala ko pa naman eh may sunog na. Ang aga-aga at nambabadtrip ka?” Pinandilatan niya ang kapatid. “Makakatikim ka na talaga sa akin sa susunod Jenna!”
Pinagtawanan lamang siya ng kapatid. “Eh kasi naman ate Naya kanina pa tumutunog iyang alarm mo e hindi ka man lang nagigising. Nakukulili na ang tenga namin ni Nanay. Kaya naman pala eh mukhang nananaginip ka na naman. Napanaginipan mo na naman ba ang pogi mong boss ate?” Pilya ang ngisi nito.
Inirapan niya ang kapatid at muling dumapa sa kama.
“Malamang kasi humahaba na naman iyang nguso mo habang natutulog ka. Kawawa naman ang unan mo at panay ang lingkis mo.” Malakas na tumawa si Jenna.
Asar na asaw siya. Ang ganda na ng panaginip niya, naudlot pa. Kahit kailan kontrabida talaga sa buhay niya ang nakababatang kapatid niya.
“Umalis ka na nga!” Asik niya dito. “Gusto ko pang matulog e.” Gusto niyang balikan ang naudlot na panaginip niya. Hindi pa siya nakasagot ng yes sa proposal ni Tristan.
“Ay naku ate, sige ikaw din. Kung di ka pa babangon, male-late ka na. Masasabon ka na naman ng Prince Charming mo.”
Binato niya ng unan si Jenna. Natatawa itong umilag at lumabas na ng silid niya. Bubulong-bulong na bumangon siya sa kama at pumasok sa banyo upang maligo. Hindi pa rin siya maka getover sa napakagandang panaginip niya.
Hay kelan naman kaya magkakatotoo ang ilusyon niya?

Kanina pa siya nakarating sa opisina ng boss niyang si Tristan Li, ang Vice-President ng UNLICOM, isang multimillion telecommunications company founded by his father, Eddie Li, the President. He was also an only son, and the sole heir to his parents’ huge wealth.
As usual, wala pa ito. Tinanghali na naman siguro ng gising, she thought. Mag-aalas diyes na ng umaga.
Abala siya sa pag-aayos sa mga papeles sa cabinet ng marinig na bumukas ang pintuan ng opisina. Nahigit niya ang hininga. Pagkatapos kalamayin ang damdamin ay nilingon niya si Tristan.
He looked haggard. He must have partied the whole night at mukha itong puyat. His long hair still wet. He was wearing a three piece suit, na kahit may eyebags pa ito, he looked dashing. Well, he always look dashing in her eyes.
“Good morning sir!” Inayos niya ang suot na salamin ng dumaan ito. She smelled his manly scent. His musk must be expensive. Hindi niya kailangang maging manghuhula sa bagay na iyon. Ano pa nga ba ang inaasahan niya sa isang mayaman na kagaya nito?
He remained silent. Tinanguan lamang siya nito at dumiretso sa mesa nito. Pasalampak na umupo sa swivel chair.
Hmp! Suplado!
“Hey, what’s that Naya?” He must have heard her murmurs.
“Oh, nothing sir. Let me just remind you that you have a meeting with Mr. Chua at 4 PM today.” Muli niyang inayos ang suot na salamin.

Tristan silently winced while looking at his secretary. He was annoyed by her mannerisms. She constantly fixes her spectacles in front of him and her looks, shame, but she looked so plain and boring. She looked like an old maid, a prim and proper old maid to be exact. And she’s a worst dresser too. She really has no fashion sense. He shook his head.
Hindi maimagine ni Tristan kung paano nito nakayanang titigan ang secretarya sa loob ng apat na taon. Oh well, he didn’t really look at her. Never did his eyes linger on her. He can’t bear see her looking so ugly and all. Kung sana naman ay kumuha ito ng magandang secretarya eh di sana maganda ang tanawing nakikita nito sa opisina.
But he knew she was an excellent employee. She was intelligent. He was impressed when he saw her academic records. A suma cum laude, how’s that? And she was as always dependable. Sa loob ng apat na taon, his office was in order, everything went out so smoothly. She has strong organizational skills and never gave him headaches. He can’t imagine his life without Naya. Well, he just have to put up with her looks and ignore her ugliness.
“I don’t feel like meeting up with him. I’m beat today. Can you cancel that?”
“I’m afraid you can’t sir. Mr. Chua is an asset to the company. And you have already rescheduled this appointment.” She said stiffly.
“Look, Naya, I’m not in the mood today, okay?” He babbled irritably. “Cancel that. Maghanap ka ng rason. Whatever you come up with, I don’t care.”

Biglang sumakit ang ulo ni Naya sa narinig. Mukhang pinapagawa na naman siya ng himala ng lalaking ito!
Ano namang dahilan ang sasabihin niya kay Mr. Chua? Na inaantok ang boss niya kaya hindi ito makakarating sa appointment nito?
“You are brilliant, right? Come on, you can do it.”
Oo nga at matalino siya pero hindi naman siya sinungaling no! Bad influence talaga itong boss niya at tinuturuan pa siya kung paano magsinungaling!
“But lying is bad sir,” she said formally.
“No more buts Naya okay? Do as I say.”
“Pero magagalit po ang Papa ninyo kapag nagkataon…”
Tumuwid sa pagkakaupo si Tristan. “And who is your boss? Si Papa o ako?” Medyo galit na ito.
“Siyempre kayo.” Kaagad na sagot niya.
“Good! Now go out and stay in your table. Do not disturb me. I’ll just catch some sleep.” At nirecline nito ang swivel chair at pumikit na.
Nangigigil na pumunta siya sa kanyang mesa. Kung hindi nga lang sayang at baka magasgasan ang guwapo nitong mukha at makinis na balat, binatukan na niya ito habang natutulog.
Mapapahamak na naman siya dahil dito. Siya kasi ang napapagalitan ng mag-asawang Eddie at Alejandra Li kapag pumapalpak sa trabaho si Tristan. Katwiran ng mga ito, siya ang sekretarya at trabaho niyang ayusin ang mga schedules ng lalaki and to make sure that he works efficiently.
Eh ano naman ang magagawa niya eh sekretarya lang siya? Hindi din naman kasi nakikinig sa kanya ang boss niya. Ang tigas ng ulo nito. At saka party people. Halos gabi-gabi ay may party. Kadalasan ay kasama nito sa lakwatsa ang girlfriend nitong si Lizbeth. Kung minsan naman ay mga barkada nito. Yun ay kung trip nitong mambabae.
Napailing siya. Hindi puwedeng macancel na naman ang appointment nito kay Mr. Chua. Mukhang aburido na last time ang negosyante, tiyak magagalit na ito ngayon. Dalawang beses na kasing nareschedule ang appointment na to.
“Think Naya… think!”
Anino pa lamang ng terror na si Alejandra ay natatakot na siya. Matapobre kasi ito. Sabagay, isa kasi itong socialite at may mataas na antas sa lipunan. Akala mo e reyna kung makaasta sa harapan ng mga empleyado nito.
She snapped when she came up with a brilliant idea. Bumaba siya sa ground floor kung saan merong Star bucks. Sampung palapag ng forty stories na Megaton Tower sa Ortigas ang okupado ng UNLICOM. Nasa 23rd floor ang opisina ng Vice President.
Bumili siya ng kape. Iyong pinakamatapang ang pinili niya, iyong siguradong nakakawala ng antok. Kailangang mawala ang antok ni Tristan para matuloy ang appointment nito.

Dahan-dahang nagmulat ng mga mata si Tristan ng makalanghap ng umuusok na kape. He saw his secretary, may hawak na tasa ng umuusok na kape. Napakunot noo ang binata.
“Dumaan si Lizbeth. Ipinabibigay ito.”
He closed his eyes, ang balak ay matulog uli. He was dead sleepy and the least he wanted was someone to interrupt his nap.
“Inumin nyo raw po habang mainit pa. Mukhang aburido kanina ng dumaan eh. Hindi ba kayo magkasama kagabi?”
“To hell with that woman!” He snapped, aggravated.
“I told her you are catching some sleep at tila nagalit. Mag-uusap daw kayo maNaya. At kapag hindi mo raw ininom ang binili niyang kape, maghuhuramentado daw siya, sir.”
“Darn! She’s really pissing me off!” Umupo ng tuwid si Trsitan. All he wanted was to get rid of his secretary so he go back to sleep. “Akina nga yan.” Inabot niya ang tasa ng kape.
His hand lightly brushed her fingers when he took the cup of coffee from her. Binalewala niya iyon kahit pa may kakatwa siyang naramdaman ng magdikit ang mga balat nila. Mabilis na ininom niya ang tasa ng kape. Wala na iyong laman ng ibinalik niya ang tasa sa sekretarya.
“Now go and please do not disturb me, okay?” He cocked his eyebrows, still irritated. He went home last night at four o’clock in the morning. Bachelor’s party ng isa niyang kakilala at inimbita siya, si Michael Sia.
He shook his head when he thought that Michael will soon have ropes on his neck held by a shopaholic, nagger wife. Michael must have gone nuts!
His happy days were already numbered so they partied wild last night, like true breeds of powerful bulls. Well, they were just scions of the wealthiest businessmen in the Philippines.
He dismissed his secretary.
“Yes sir!” Kaagad na tumalikod si Naya at umalis habang nangingiti. Walang kahirap-hirap na napainom nito ng kape ang bugnuting boss.
Cheers to her success!
Tingnan lang natin kung makakatulog ka pa sa lagay na iyan…she thought.

“Naya!” Dumadagundong ang boses ni Tristan.
“Yes, sir!” Kaagad na napasugod ito ng marinig ang sigaw niya.
“Give me those documents I needed to sign, and fast!” Aburidong-aburido siya at biglang nawala ang antok niya. He became impatient.
“Hindi na kayo inaantok, sir?” She asked.
“Obvious ba?” Angil niya.
“Okay, I’ll get those documents right away.” Tinungo nito ang divider at naghalungkat doon. Pagkatapos ay inilapag sa mesa niya ang folders ng mga dokumentong kailangan niyang pirmahan.
“And also, setup an appointment with Go Corporation. You heard about the last meeting?”
She nodded.
“Good! We need to talk to them about potential partnerships in some of our projects. Make a catchy proposal letter. I want this done within an hour.”
Napasinghap ang dalaga. Mukhang hindi nito nagustuhan ang time frame na sinabi niya ngunit wala siyang pakialam doon. Matagal na ang isang oras at nabubugnot siya.
“Got it?”
“Yes, sir!” Napilitan itong sumang-ayon.
“Good! Now go and do it!” He dismissed her.

“Hindi pa ba tapos iyan?”
Nag-angat ng paningin si Naya. Nasa harapan siya ng computer at kasalukuyang ginagawa ang proposal letter. She glanced at her wristwatch.
Forty-five minutes pa lamang ang nakalipas a.
“I’m almost done with it, sir. Just give me a couple of minutes.”
“Okay.” Bumalik ito sa desk nito.
Siya naman ay nagkandarapa sa pagtatype. Ang lakas tuloy ng pindot niya sa keyboard.
“Hey, are you mad or something?” Muli na naman itong sumulpot sa harapan niya.
“Of course not!” She was getting annoyed. He destroyed her train of thoughts. Technical letter pa naman tong ginagawa niya.
“So wag mong pagdiskitahan ang keyboard. Ibabawas ko yan sa suweldo mo kapag nasira iyan.”
“Hindi na po mauulit, sir,” aniya habang ingat na ingat sa pagtype. Nginitian niya ito, ngising aso.
Nang mawala ito ay nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga.
Hmp! Ang suplado talaga ng Tristan na to! Wala na yata itong ginawa kundi ang kunsumihin siya. Nakakainis!
Bubulong-bulong na ipinagpatuloy niya ang ginagawa. Kaagad na nagprint siya ng kopya ng makatapos siya at ibinigay iyon kay Tristan.
“Here’s the proposal letter sir. Kindly check.”
Inabot nito ang papel at binasa ang ginawa niya. “Redo this. Its not catchy at all,” Naya-Naya ay turan nito. Ibinalik nito sa kanya ang proposal letter.
Binasa niya ang ginawa niya. Okay naman tong nagawa niya ah? Bakit pinapaulit nito?
“Make it more interesting, okay?”
Nagkibit siya ng mga balikat at muling bumalik sa table niya. Nilamukos niya ang copy na pinrint niya at tinapon iyon sa basurahan.
She started to write a proposal letter again. Pagkatapos ay muling nagprint at ipinabasa kay Tristan.
“Ano ba naman to Naya. This is a lousy proposal letter. Can’t you make it a little more interesting?”
“Okay,” wala siyang nagawa kundi ang baguhin ang nagawa niya. Muli siyang bumalik sa kanyang upuan at inabala ang sarili. Pressured na naman siya ngayong araw sa opisina dahil lamang sa isang simpleng proposal letter!
Nagkandahaba na ang nguso niya habang nakatutok sa computer niya. Panay ang buntong-hininga niya upang kontrolin ang namumuo ng inis sa kanyang dibdib.
“Eto na sir.” Pinilit niyang ngumiti sa kabila ng inis ng iabot niya kay Tristan ang pangatlong revision niya ng pinapagawa nitong proposal letter.
My God, tumino na sana ang utak ng boss niya at hindi na siya nito pauulitin pa. Nakakapagod at nakaka stress talaga ang klase ng trabaho niya.
She held her breath while he was scanning her work.
“My God, you still don’t get what I mean Naya!” Aburidong asik ng binata. “This is a crap!”
Lihim na napabuntong-hininga si Naya. Nauubos na talaga ang pasensiya niya ngayong araw!
“Do another proposal letter and make sure you get it correct this time. I’m getting tired reading your craps. Come on, you’re a Summa cum Laude, for Christ’s sake, make use of it!”
Grrrrrrrrrr!!!!!!!!!!!
Gusto ng sumingasing ng ilong niya. At ininsulto pa siya ng unggoy na to!
“Yes sir!” Mataas na ang timbre ng boses niya. Hindi na niya kinuha ang ginawa niyang proposal letter mula dito at kaagad na bumalik sa puwesto niya.
She was already fuming in annoyance. Sa inis niya ay gusto na niyang makasakal ng tao.
Okay, take it easy Naya… Breathe in… Breathe out… Breathe in… Breathe out…
Kung bakit ba naman kasi nagkaroon siya ng boss na katulad ni Tristan! Stressful na napakademanding pa. Kung hindi nga lamang ito guwapo at kailangan niya ang trabaho upang matustusan ang mga gamot ng ina niya, hinding-hindi siya magtiis sa klase ng trabaho niya. She had a monster boss!
Four years ago, her mother was diagnosed to be diabetic. Naapektuhan ang maayos na pag function ng iba pang mga organs nito ng tumaas ang blood sugar ng ina. Buti na lamang at naagapan ang sakit nito. Ngunit kailangan nitong mag maintain sa pag-inom ng mga gamot at sumunod ng isang espesyal na diet para sa isang diabetic na tao para mapangalagaan ang kalusugan nito. Lifetime struggle na ang sakit ng ina niya.
Dahil sa kalagayan ng ina, kaagad siyang naghanap ng mapapasukan pagkagraduate niya ng College. Matagal na rin kasing naNayapa ang kanyang ama. Buti na lamang at may insurance ito at iyon ang bumuhay sa kanila ng ilang taon. Ang unang kumpanyang inaplayan niya ay ang UNLICOM kung saan ay kaagad siyang natanggap sa trabaho.
Well, she has amazing scholastic records, a Summa cum laude to be exact, to back her up. She impressed the HR and her interviewer with her fluent and witty answers to their interview questions.
Though she applied for a clerical position, itinalaga siyang executive secretary ng VP ng kumpanya. She was so happy with it. Well, until she came face to face with her annoying boss. Unang araw pa lamang niya bilang sekretarya nito ay kaagad na pinahirapan siya. Kung hindi lamang sa ina niya, limang araw pa lamang siya sa trabaho ay nagresign na siya.
Eventually, nakapag adjust din siya sa uri ng trabaho niya at sa ugali ng boss niya. She can’t imagine na tumagal siya ng apat na taon bilang sekretarya ni Tristan.
Nalaman niya mula sa records ng opisina na hindi nagtatagal ang mga sekretarya nito. Siya lamang ang kauna-unahang naging sekretarya nito na umabot ng apat na taon. Sa kabila ng hirap na dinanas niya sa trabaho, malaki pa rin ang ipinagpapasalamat niya at malaki ang suweldo niya bilang executive secretary ni Tristan.
She didn’t want to loose her job due to her mother’s ailing condition so she stretched her patience for miles so she can bear her annoying boss!
Titiisin niya ang anumang hirap para sa kanyang pinakamamahal na ina.
“Okay, this is it!” She sighed. Kaagad na ibinigay niya kay Tristan ang nagawa niyang proposal letter.
Oh no, do not reject it again! She exclaimed silently.
He scanned the paper. Salubong ang mga kilay na nilingon nito ang sekretarya. “This is still not right Naya. How can you—“
“Okay,” She stopped him in mid-sentence. “Ikaw na nga ang gumawa para wala ng problema.” Hindi na niya napigilan ang kanyang inis.
“Hey!” He was taken aback.
“Ikaw na nga gumawa niyan total nagmamarunong ka naman e!”
“Naya, this is an act of insubordination! I can fire you because of this.”
Nagkandahaba ang nguso niya.
Eh di gawin mo! Monster ka!
“And you are abusing your employee too! Irereklamo kita sa DOLE!” Hindi siya nagpasindak dito. “Tama naman yung mga proposal letter na ginawa ko a. Bakit sinasabi mong mali?”
“They’re wrong!” He hissed.
“Then make the right one! So I can see what’s wrong with them!” Namaywang na siya. “Prove it!”
“Alam mo namang hindi ako marunong niyan,” he shouted back. “Trabaho mo iyan Naya. You are paid to do those things.”
“Hindi ka naman pala marunong eh bakit ka nagmamarunong?”
Natameme ito.
Inagaw niya ang hawak nito. “Akina nga iyan at ilalagay ko sa sobre para maibigay ko na sa messenger natin.” Pagkatapos ay tumalikod na siya.
Wala naman palang alam. Kala mo kung sinong genius makapanlait ng gawa niya ha.
Bubulong-bulong na bumalik siya sa mesa niya.

Si Tristan ay malapad ang ngisi habang sinusundan ng tingin ang napikong si Naya. He was enjoying his little stint. He liked annoying his secretary until she walks out.
Hindi niya alam but he finds her cute when she’s pissed off. Namumula ang mukha nito at gayun din ang mga labi. Kaya naging past time na niya ang pang-iinis sa sekretarya niya lalo na kapag wala siyang ginagawa at bored.
And he was dead bored right now. Buwisit kasi ang kapeng nainom niya kanina at biglang lumipad ang antok niya.
Kung hindi lang siya nakulitan sa secretarya niya ay hinding-hindi niya iinumin iyon. Isa pa ay ayaw rin niyang makarinig ng kung ano mula kay Lizbeth kapag nalaman nitong hindi niya ininom ang ipinabibigay nitong kape. Alam pa naman niya kung paano magtampo ang nobya.
Lumabas siya ng opisina at alam niyang mabobore lang siya roon. He went to the basement kung saan nakapark ang sasakyan niya. Maglilibot siya sa buong Metro Manila hanggang sa makakita siya ng magandang lugar na puwedeng tambayan.
And of course, that nice and fun place should have hot women wandering around.
Kaagad na nabuhay ang dugo niya sa naisip.


Chapter 2
Kung hindi pa kumalam ang sikmura niya ay hindi niya pagkakaabalahang tingnan ang relo niya. Malapit na palang mag-ala una ng hapon.
Kaagad na lumabas siya ng opisina at bumaba sa third floor. Kakain siya ng pananghalian sa canteen. And she needed to hurry up.
Puno ang lugar ng makarating siya. Karamihan sa mga empleyado ng UNLICOM ay doon kumakain.
Nandito na naman si Miss Tapia…
My God, hindi talaga siya marunong mag-ayos…
Ang pangit niya! Yuck!
I’m sure magiging old maid iyan forever. Walang lalaking magkakagusto diyan…
Lihim na bumunot ng buntong-hininga si Naya. Hindi siya bingi. Malinaw na narinig niya ang bulung-bulungan ng mga tsismosa sa kumpanya nila.
Kunsabagay, tama naman ang mga ito. Pangit siya. Mukha siyang losyang at walang lalaking maliligaw na magkakagusto sa kanya. Puwera na lamang bulag, of course! O di kaya malabo ang mga mata.
Nakaramdam siya ng self pity ngunit sanay na siya sa panlalait ng mga kaopisina niya.
Hindi niya pinansin ang mga bulong-bulungan. Parang bubLiog ang mga tsismosang walang magawa kundi bantayan ang kapwa nila empleyado. Nagbingi-bingihan siya.
Bumili siya ng pagkain at naghanap ng bakanteng mesa. Wala siyang malapit na kaibigan sa opisina nila. Wala kasing nakikipagkaibigan sa kanya. Siya kasi ang pinakapangit na empleyado sa kumpanya nila. At palagi siyang nilalait ng mga ito.
Akala mo naman ang gaganda ng mga ito eh pareho lang naman sila. Ang kaibahan nga lang, hindi magkukumahog ang mga ito sa pag-aayos ng sarili araw-araw. But it didn’t make a difference actually. Pareho pa rin naman ang pagmumukha ng mga ito. At alam niyang kung hindi sale e sa ukay lang naman nanggaling ang mga damit ng mga ito.
She smiled at the thought.
Okay lang naman sa kanya na wala siyang malapit na kaibigan sa opisina nila. Hindi rin siya mahilig makipagbarkada. At hindi siya plastic. Madalang lamang ang mga naging kaibigan niya sa buong buhay niya.
Binilisan niya ang pag-ubos sa pagkain niya at malapit ng mag-alauna. Dapat ay kaninang alas dose pa siya nag lunch at ala una ang start ng trabaho nila sa hapon. Ngunit nawili siya sa kanyang ginagawa.
Umandar na naman ang pagiging workaholic niya.
Wala ang masungit niyang amo at maagang umalis. Tumawag kasi kanina si Lizbeth. Baka nagkita ang dalawa.
Nakaramdam siya ng pinong kurot sa kanyang dibdib sa naisip.
She was jealous of Lizbeth. She was beautiful, sophisticated and rich. What she wants, she gets. She was an heiress too. Most of all, she was Tristan’s girlfriend. That made the difference. Sometimes she wished to step into her shoe.
Ano kaya ang feeling ng maganda, mayaman at may guwapong boyfriend?
That must be heaven!
“If you have nothing to do, better shut up your filthy mouths! Hindi niya kayo pinakikialaman kaya huwag ninyo siyang pakialaman.”
Awtomatikong nagtaas ng paningin si Naya ng marinig ang suwabeng boses na iyon. Her heartbeat skipped a thousand beats when she saw Tristan. He was holding a tray of food in his hands. Halos ay mag-isang linya na ang makakapal nitong mga kilay sa inis.
He must have heard the gossipmongers and he reprimanded them.
Kaagad na itinikom ng mga tsismosa ang makati nilang mga bibig. Biglang nahintakutan at VP ng kumpanya ang kaharap ng mga ito.
Muntik na siyang nabilaukan sa kabiglaanan. Kaagad na inabot niya ang baso ng tubig at mabilis na ininom iyon.
Hindi siya makapaniwala ngunit ipinagtanggol siya ni Tristan laban sa mga kaopisina niyang mga tsismosa!
My, but she wanted to faint!
“From now on, hindi ko gustong pagtsismisan ninyo ang aking sekretarya. Tutal pareho naman kayong mga pangit. Don’t think that you are better than her. In fact, you can’t catch up to her intelligence at all. Get it?”
“Yes sir!” Nagchorus ang mga ito, heads down. They were embarrassed.
Buti nga sa inyo! Eh di napahiya kayo! Mga tsismosa kasi eh!
Napangiti siya. Aba at ang bait ng bossing niya ngayong araw! Siguro nagdate ito kasama si Lizbeth kaya malamig ang ulo.
At ipinagtanggol pa siya ha.
She wanted to scream in excitement!
He was acting like her knight in shining armor and she suddenly felt like a maiden in distress!
He came to rescue her! She felt like floating in cloud nine.
Inirapan niya ang mga tsismosa.
Si Tristan ay ipinatong ang dalang tray ng pagkain sa table niya. Humugot ng bakanteng upuan at naupo doon.
Muli na naming tumigil sa pagtibok ang puso niya. Sasabayan siya nitong kumain?
Tahimik na kumain ang binata. Siya naman ay nakamata lamang dito. Hindi pa rin makapaniwala sa nangyari.
“Stop staring at me Naya,” he softly murrnured. “You are annoying me. I know I’m gorgeous but please don’t gawk at me especially in public. Mapapahiya ka lang. You are not my type.”
She blinked her starstruck eyes. Kung kanina ay tuwang-tuwa siya at ipinagtanggol siya ni Tristan, ngayon ay inis na inis siya dito.
She was hurt. How can he ruthlessly tell her that she aint his type? She knew that very well. Sa layo ng agwat nila sa buhay, ganun na rin sa pisikal na anyo, alam niyang hindi siya nababagay dito.
Tanggap naman niya iyon. But it hurts so much at diretsa niya iyong narinig mula sa binata.
Her eyes moistened. Gusto niyang umiyak sa panlalait nito. But she forced herself to stay composed.
Pasalamat ito at hindi naging pangit na katulad niya! Kung bakit ba naman kasi ng maghasik ng kagandahan ang Diyos eh absent siya. Kaya ayun tuloy puro kapangitan ang nasalo niya.
“Excuse me, I am not gawking at you,” she said defensively.
“Don’t deny it anymore. I can see it in your eyes. Tingnan mo nga ang sarili mo sa salamin at namumula ka.” He shot her a quick glance.
Mas lalong uminit ang mukha niya sa sinabi nito. Nadagdagan ang pamumula niya. She fixed her spectacles.
“Kumain ka na nga at ubusin mo na yang pagkain mo. Late ka na ngayong hapon.” He stood up and left.
Napanganga siya ng mapansing tapos na itong kumain. Ubos na ang pagkain nito.
Ganuon ito kabilis kumain?
Nauna pa itong nakatapos sa kanya. O hindi lang niya napansin dahil kanina pa siya nakatunganga dito?
She blushed again. Paano kasi ang guwapo naman ng boss niya at hindi niya mapigilan ang sarili niyang matulala kapag kaharap ito. Mukha kasi itong Korean superstar. Ang cute ng singkit na mga mata at bumagay dito ang mahabang buhok.
Kitang-kita niya ang kaguwapuhan nito at umupo ito sa harapan niya. They were so close and she felt like the space inside the canteen suddenly became crowded. Parang nagkaroon ng shortage ng oxygen at bigla siyang nahirapang huminga.
Ang guwapo talaga ng VP natin…
Ganyan ang gusto kong mapangasawa. Ubod na ng yaman, ubod pa ng guwapo…
Hay… Kailan kaya niya ako mapapansin…
Sayang at may girlfriend na siya. Ang suwerte naman ni Ma’am Lizbeth…
Hindi pa sila kasal kaya puwede pa siyang masungkit…
Oo nga… sabagay may point ka diyan sis…
Tinapunan niya ng masamang tingin ang mga tsismosa. Umugong na naman ang bulung-bulungan sa paligid.
Mangarap kayo! Hindi rin kayo papansinin ni Tristan no! Ang mga tipo lang ni Lizbeth ang papatulan nun!
Ipinagpatuloy niya ang pagkain.
“Naya!”
“Yes, sir!” Bigla siyang napatayo ng marinig ang sigaw na iyon. Muling bumalik sa canteen si Tristan at mainit na naman ang ulo. Tinawag siya.
“I need you in the office right now.”
“Right away, sir!” Hindi na niya inubos ang natitira pa niyang pagkain. Uminom na siya ng tubig at kaagad na sumunod dito.
“Bakit ka pa nagpaiwan dun at alam mo namang ang daming mga tsismosa doon.” He said when she was able to catch up with him.
“Eh hindi pa kasi ako tapos kumain.” She answered.
Concern ba ito sa kanya? OMG!
Her heart hammered inside her chest. Kinikilig na naman siya!
“Ang bagal-bagal mo kasing kumain. Sa susunod wag kang tatanga-tanga at bilisan mong kumain.” Pasupladong asik nito.
“Eh pano naman kung mabilaukan ako…” Bumukas ang elevator at mabilis na pumasok sa loob si Tristan. Nakasunod siya dito at nalalanghap niya ang mabangong cologne nito. Napapapikit siya ng lihim kapag nalalanghap niya ang kabanguhan ng binata.
Akma siyang susunod kay Tristan na pumasok sa elevator ng bigla iyong sumara. Kaagad na umatras siya in reflex habang napatili. Muntik na siyang naipit sa pintuan ng elevator!
“Aba’t!” Nanggigigil na binatukan niya sa kanyang isipan si Tristan.
Walang modo talaga ang lalaking iyon!

“Hey, where’s my boyfriend?”
Mula sa monitor ng computer ay inilipat ni Naya ang paningin sa dumating na panauhin.
Lihim siyang napangiwi ng makita si Lizbeth.
Nandito na naman ang maarteng ito.
Nginitian niya ng plastic ang babae. “Umalis kanina Ma’am. May pupuntahan daw.”
Nagkasalubong ang maninipis na kilay ni Lizbeth. “And where did he go?”
“Hindi ko alam. Hindi niya sinabi eh. I thought magkikita kayo?” She asked innocently.
“Ikaw ang sekretarya niya, hindi mo alam?” She asked sarcastically.
Hmp! Maldita!
“At kung magkikita kami eh di sana magkasama kami ngayon, di ba?” Pauyam na sagot nito.
Aba at masarap talagang batukan ang malditang ito, huh!
Tiningnan niya ang suot nitong mahabang kuwintas. Gawa iyon sa perlas.
Ano kaya kung sakalin niya ito gamit ang mamahalin nitong pearl studded necklace? Parang ang sarap yatang gawin niyon.
“Baka ho nag unwind lang. Wala kasi siyang business appointment ngayong araw. Boring kasi dito sa office eh.”
“Walang tumawag na babae kanina?” Mainit na ang ulo ni Lizbeth.
“Babae?” Nagmaang-maangan siya. “Wala naman.” Hindi niya sinabi ditong may tumawag ngang babae kanina at hinanap si Tristan. Nag-usap ang mga ito ng matagal. Naya-Naya ay umalis ang lalaki.
“Sure ka?” She looked at her from head to foot, sizing her up.
“Yes,” she said firmly.
At bakit naman niya sasabihin dito ang totoo? Eh di magwawala na naman ito kapag nalamang lumabas ang nobyo at nakipagkita sa iba. At si Tristan ang boss niya at hindi ang malditang heiress na to.
Kinuha ni Lizbeth sa mamahaling LV bag nito ang iphone at tinawagan si Tristan. Nagriring lang ang telepono ng nobyo ngunit walang sumasagot.
“Come on Tristan, pick up the damned phone!” Lizbeth was now pissed.
Lihim siyang natatawa habang pinagmamasdan ang babae. Ganyan kasi at guwapo ang nobyo kaya maraming babae ang naghahabol.
As a woman, she felt pity for Lizbeth as of the moment. Tristan is a womanizer. Nakikipagkita pa ito sa ibang mga babae kahit may girlfriend na ito.
Sometimes naiisip niyang baka hindi totoong mahal ni Tristan si Lizbeth kaya nambabae pa rin ito.
“Damn you, Tristan!” Lizbeth hissed. Gustong-gusto na nitong itapon ang hawak na iphone dahil sa inis.
Bumalik kay Lizbeth ang atensiyon niya. She looked all glammed up sa suot nitong designer’s clothes and fierce boots. Mamahalin din ang make up nito. Lizbeth was breath taking at hindi bagay dito na nagmumura sa galit.
Hindi niya lubos maisip kung bakit nagagawa pang tumingin sa ibang babae ni Tristan. Well, mukha lang naman ang maganda sa babae at pangit naman ang pag-uugali nito. Palibhasa spoiled. Sabagay, wala din naman itong pinag-iba sa ugali ni Tristan. Suplado din ang boss niya at palagi siyang pinahihirapan sa trabaho niya.
Bagay nga silang dalawa, she thought. Parehong mayaman, goodlooking at spoiled brats!
Siguro ay likas ng babaero ang boss niya. At hindi lamang si Lizbeth ang maganda at Nayaman sa paligid nito. Marami pa sila. Marami silang magaganda at Nayayamang babaeng naghahabol sa guwapong boss niya.
“Make sure to tell your boss that I’ve been here and is now mad at him, okay?” Galit na turan ni Lizbeth ng hindi pa rin sumasagot sa tawag nito ang nobyo. “Isusumbong ko siya ay Tita Alejandra.”
She nodded her head.
“Just make sure you do that Naya. O makakatikim ka sa akin.” Galit na banta nito.
“Yes Ma’am!”
Hindi ako takot sa iyo no!
Inirapan niya ang babae ng tumalikod ito.
Mamatay ka sa konsumisyon!
But deep inside her, naawa siya sa babae. She sighed. Nasaang lupalop na naman kaya ng Metro Manila naghahasik ng lagim ang playboy na si Tristan Li?
She shrugged her shoulders upon the thought. Hindi siya si Lizbeth upang abalahin ang sarili sa tanong na iyon.
But she can’t help not to anyway.
Muli niyang ipinagpatuloy ang ginagawa ng tuluyang makaalis si Lizbeth.

Kaagad na nagmano siya sa ina ng makarating siya sa bahay nila mula sa opisina.
Naroon sa sala si Susan at nanonood ng tv. Bagamat sarili nila ang bahay na tinutuluyan nila sa Novaliches, isa sa naipundar ng ama bago ito naaksidente, hindi naman iyon kalakihan.
Bungalow iyon at bagamat gawa sa semento ay hindi napinturahan. Meron iyong dalawang kuwarto. Dati okupado ng mga magulang niya ang isang kuwarto at share naman sila ng kapatid sa isa, Lumipat sa kabilang silid si Jenna upang samahan ang ina simula ng magkasakit ito. Gustuhin man niyang ipaayos ang bahay nila, nauubos sa gamot ng ina at pag-aaral ng kapatid ang suweldo niya. Graduating na ang kapatid niya sa darating na Marso at may makakatuwang na rin siya sa pagtagLiod ng pamilya nila.
Pasalampak na umupo siya sa sofa at hinubad ang suot na sapatos at stockings.
“Kamusta sa opisina ninyo anak?” Malumanay na tanong ni Susan.
“Ay naku inay as usual ganuon pa rin. Hindi na siguro talaga magbabago ang boss ko.”
“Hindi na talaga magbabago iyon ate. Guwapo pa rin kahit magunaw pa ang mundo.” Si Jenna na hindi napigilang sumabat sa usapan ng ina at kapatid. Nasa kusina ito na karugtong lamang ng sala at nagluluto ng hapunan. “Lalo na sa paningin mo.”
Umasim ang pagmumukha niya. Sumabat na naman sa usapan nila ang magaling na kapatid niya.
“Hindi iyon ang ibig kong sabihin Jenna. Ang pangit niyang ugali ang tinutukoy ko.” Pinandilatan niya ang kapatid.
“Palusot ka pa ate,” napahagikhik si Jenna.”Aminin mo na kasi eh. Halata namang patay na patay ka dun.”
“As if naman papansinin ako nun.” Humaba ang nguso niya. “Ang pangit ko kaya.” Tinanggal niya ang suot na salamin at ipinatong sa lamesita.
“Hindi ka naman talaga pangit ate eh. Hindi ka lang kasi marunong mag-ayos. Ang totoong pangit eh ang makapal na salamin mo. Ditch that and wear contact lens instead. Then try to put some makeup. Magpa makeover ka nga ate.”
“Gastos lang yan. Ikaw talaga puro gastos ang iniisip. Magtipid-tipid ka nga. At saka ayokong mag makeup. Baka dumami pa ang pimples ko.”
“Huwag ka kasing bumili ng pekeng makeup Ate. Siyempre may side effects iyon. Bumili ka ng matinong make up. Tsaka kelangan mong gumamit ng facial cream o di kaya moisturizers. Ang dry na ng skin mo.”
“Ay naku ayoko nga ng mga pa ek ek na iyan. Gastos lang iyan.”
“Ikaw din, forever ka ng hindi mapapansin ng Prince Charming mo,” panunudyo nito.
“Ay naku kahit pa sabihin nating himala at gumanda ako, hindi pa rin ako babagay dun. Kasi nga mahirap lang tayo. Ang matapobre kaya ng parents nun lalo na si Ma’am Alejandra. Hindi ako uubra dun.”
“Ate, sa dalawang taong tunay na nagmamahalan, hindi mahalaga ang antas sa lipunan. Ipaglalaban ka niya laban sa matapobreng pamilya niya. Iyon e kung talagang mahal ka niya. Pero paano naman maiinlove sa iyo iyon sa ganyang ayos mo ate. Mukha kang old maid na pinaglumaan ng panahon. Magpaganda ka na kasi.”
“Hindi mo alam ang sinasabi mo Jenna. Wala ka pa kasing nakahalubilong bigtime. Hindi mo alam kung paano sila mag-isip at kung ano ang tunay na pag-uugali nila. Ang mga tulad lang ni Lizbeth ang papansinin ni Tristan. Oo nga at crush ko ang terror na boss ko na yun pero hindi ako tanga ano. Alam ko kung saan ako lulugar. Kaya tumahimik ka na at bilisan mo ang pagluluto. Nagugutom na ako.” She dismissed her sister.
“Kamusta naman ang pakiramdam ninyo, inay?” Baling niya sa ina. Iniinom niyo ba sa oras ang mga gamot ninyo?”
Tumango si Susan.
“Eh bakit mukha kayong matamlay?”
“Kumain kasi iyan kanina ng bawal ate. Hindi ko napansin. Bumili ng mani sa tindahan at inupakan iyon. Kaya ayan, sumama ang pakiramdam.”
“Namimiss ko na kasing kumain ng mani anak. Ang tagal ko ng di nakakain niyon. Paborito ko pa naman.”
“Naiintindihan ko inay,” pasensiyosong wika niya. “Isipin nyo na lang na bawal sa inyo ang mani. Lalo na yang local na nabibili niyo sa tindahan. May substance yan na kontra sa sakit ninyo. Ayan tuloy sumama ang pakiramdam mo. Baka maospital ka na naman niyan ha. Hindi porke malapit ko na makuha ang 13th month pay ko at year end bonus ngayong December ay puwede ka ng maospital. Balak kong bumili ng ilang gamit natin dito sa bahay kapag nakuha ko na ang 13th month pay at midyear bonus ko. Kaya huwag kang kumain ng bawal inay at alagaan mo ang sarili mo. Mahalaga ka sa amin ni Jenna. Alam mo naman iyan di ba?”
“Alam ko anak.”
“Good.” Niyakap niya ang ina. Mahal na mahal niya ito at hindi niya ito pababayaan.

Naglalakad sa pasilyo ng opisina si Naya ng makitang paparating ang dalawang big bosses ng UNLICOM, ang mag-asawang Eddie at Alejandra Li.
Eddie Li looked powerful in his tuxedo while his wife looked regal habang nakaabrisyete sa asawa. Nagkikislapan ang mga suot nitong alahas sa katawan. Parehong nakataas ang noo ng mga ito.
Her knees softened. She was scared of the power couple. Gusto niyang tumalikod at iwasan ang mga ito but it was too late. They noticed her already.
Kahit nanginginig sa takot ang mga tuhod niya ay pinilit niyang maglakad ng maayos. Sinalubong niya ang mga ito.
“Good morning sir… Good morning Ma’am…” Buti na lamang at may lumabas na boses sa lalamunan niya ng magsalita siya. Bahagyang nakayuko ang ulo niya.
Isang simpleng tango ang naging tugon ni Eddie samantalang si Alejandra ay pinasadahan lamang siya ng tingin. Bahagyang nakaangat ang well shaped na kilay nito.
Pakiramdam ni Naya ay iginigisa siya sa mainit na mantika habang nasa harapan ng mag-asawa. Nakahinga siya ng maluwag ng makalagpas ang mga ito sa kanya. Pagkatapos ay dali-dali siyang naglakad papunta sa restroom.
Ganuon ang impact sa kanya ng mag-asawang Eddie at Alejandra Li. Minsan na kasi siyang napagalitan ni Alejandra. At muntik na siyang natanggal sa trabaho dahil doon.
Hinamig niya ang sarili sa loob ng restroom. Tinanggal niya ang suot na salamin at naghilamos ng mukha. At dahil malapad ang salamin sa harapan niya, hindi niya napigilang titigan ang sarili.
Hindi ka naman talaga pangit ate eh. Hindi ka lang kasi marunong mag-ayos…
Umalingawngaw sa isipan niya ang sinabing iyon ng kapatid.
She looked at herself in the mirror without her glasses on. Her eyebrows were thick. She had kitten wide eyes rimmed with thick lashes. Katamtaman ang tangos ng ilong niya. Maputla ang manipis na mga labi niya. Palaging nakapusod ang lampas balikat na buhok niya. Iyon na kasi ang nakasanayan niya.
Matamang pinag-aralan niya ang anyo sa harap ng salamin. She looked so plain and boring. Bagamat tama ang kapatid niya na hindi naman talaga siya pangit, wala namang dating ang itsura niya. Maluwang na blazer at stretchable pants pa ang suot niya.
Muli niyang sinuot ang kanyang malaking salamin. Makapal ang grado niyon. Naapektuhan kasi ang vision niya at kahit walang kuryente ay nag-aaral pa rin siya kahit kandila lamang ang gamit niya noong nasa College pa siya.
She needed to study hard so she can maintain her scholarship. Maliit na lang kasi ang perang natira mula insurance ng ama niya.
With her glasses on, nagmukha na naman siyang matandang dalaga. She was only twenty-four years old yet she looked like thirty-five.
She sighed.
Huwag ka na ngang mangarap Naya. Hindi ka na gaganda pa. Makuntento ka sa kung anumang meron ka. Okay?
She composed herself. Pagkatapos ay lumabas na siya sa restroom at muling bumalik sa opisina ng VP.
Nadatnan niya sa loob ng opisina si Lizbeth. Hindi na naman maipinta ang pagmumukha nito.
“Where’s Tristan?” She asked irritably.
“May kausap lang sa conference room Ma’am. He’ll be back in a few minutes. Pakiantay na lang po.
Muli na naman siyang pinasadahan nito ng tingin mula ulo hanggang paa, pabalik sa mukha niya. Bahagya pa itong nakangiwi.
“I wonder how did you manage to be Tristan’s secretary when you look aweful yourself.” Lizbeth commented.
Naya took a deep breath to calm herself. Umaandar na naman ang pagkamatapobre ni Lizbeth. But she won’t allow her insult her. Lalo na ngayon at sila lamang dalawa ang magkaharap.
“Oh, so you wonder?” She smiled, a sarcastic saccharine smile. “Don’t bother. You can’t really fathom that anyways with the kind of brains you got.” Pormal na wika niya.
Tumikwas ang kilay ni Lizbeth. “And what do you mean by that? Are you insinuating that I am a moron?” She fumed.
“You said that and not me,” she shrugged her shoulders nonchalantly. “But let me tell you why I got this job Ms. Guerrero. Why? Let me ask you this, who can turn down a Summa cum Laude?”
Lizbeth gasped.
Oh eh di nasorpresa ang lukaret!
Lihim siyang napangiti. Hindi siya mayabang. She never bragged her achievement to anyone. HR lamang at ang boss niyang si Tristan at ilang pribadong tao na may access sa records niya ang nakakaalam niyon.
But this woman insulted her and she wanted to give her a dose of her own medicine.
“You can call me any ugliest adjective you may come up with but never underestimate my capabilities. Hindi ako magtatagal sa kumpanyang ito kung hindi ako magaling Ms. Guerrero.”
“Not until the big boss gets you terminated of course.” Pauyam na ngumiti si Lizbeth. “Alam mo namang close kami ni Tita Alejandra, di ba?”
Lihim siyang napasinghap sa sinabi nito.
“So if I were you, be nice to me. Or else you mightl lose your job?”
Napalunok siya.
“Buti naman at nagkakaintindihan tayo Naya.”
She remained silent. Though she was looking at her hard. Hindi niya gusto ang tinutumbok nito. Pinakaiingatan niya ang trabaho niya and she didn’t want Lizbeth to mess it up.
Nagsusukatan sila ng tingin ng bumukas ang pintuan.
“Hey, honey!” Kaagad na sinalubong ni Lizbeth si Tristan and kissed him. “I missed you.”
Awtomatikong tumalikod si Naya upang hindi masaksihan ang paghahalikan ng magkasintahan.
Tinungo na niya ang puwesto niya. Pumasok sa loob ng suite ni Tristan ang dalawa. Tumahimik ang paligid.
Pinilit niyang magconcentrate sa kanyang trabaho ngunit hindi mawala sa isipan niya sina Tristan at Lizbeth.
Ano kaya ang ginagawa ng mga ito? Bakit ang tagal namang lumabas ni Lizbeth?
Ano ka ba Naya at bakit iyan ang iniisip mo? Magtrabaho ka nga ng maayos!
Pinagalitan niya ang sarili. Napapitlag siya sa kanyang upuan ng marinig ang malakas na halakhak ni Lizbeth. Napailing na lamang siya. Siguradong may good time na namang nangyayari sa loob ng executive suite ni Tristan.
MaNaya niyan ay malapad na ang ngiti ni Lizbeth paglabas nito. That she was sure of. Pamilyar na kasi sa kanya ang mga eksenang ganito.
Napailing na lamang siya.

Chapter 3

“Naya…”
Lumingon siya. Hindi niya inaasahan na nakayuko pala si Tristan sa tagiliran niya at may inaabot. Muntik ng mabunggo ng mukha niya ang leeg ng lalaki. Kaagad na nalanghap niyang mabangong musk nito.
“Ay sorry sir!” she felt her heart dribbled inside her chest. Tristan was so close and she felt really uncomfortable.
Dumiretso ng tayo ang binata. “Sa susunod, mag-ingat ka nga! Ang clumsy mo! Pati ako idadamay mo pa eh.” Nakasinghal na naman ito.
“Sorry na po.” Napatungo siya.
“Nevermind!” Anitong nakaangil pa rin.
“Ano po ba ang inaabot ninyo sir?”
“Yung Menthos ko nahulog malapit sa ilalim ng mesa mo. “
Nakita niya ang sinasabi ng lalaki at pinulot niya. Pagkatapos ay inabot dito.
Padarag na kinuha iyon ni Tristan. Pagkatapos ay tumalikod.
Hmp! Ni hindi man lang nagpasalamat? Hindi lang bugnutin kundi walang good manners and right conduct din itong boss niya eh.
Nagkibit siya ng mga balikat. Tapos ay ipinagpatuloy niya ang ginagawa ng makaalis ang binata.
“Naya?”
“Yes, Sir!” Awtomatikong sagot niya. Nilingon niya ang lalaki. Nasa pintuan ito ng private suite nito.
“Ipagtimpla mo nga ako ng kape.”
“Yes boss!”
Iyon lang at malakas na isinara nito ang pintuan. Siya naman ay tumayo at pumunta sa pantry. Nagsalang siya ng kape sa percolator. Kabisado na niya ang timplang gusto ni Tristan. Ayaw nito ng sobrang pait at sobrang tamis. Dapat tamang-tama lang ang lasa at creamy.
Bitbit ang tray na may lamang tasa ng kape, pumasok siya sa private suite ng binata. “You’re coffee sir.” Inilapag niya sa table nito ang umuusok na tasa ng kape.
Hindi ito sumagot at abala sa binabasang Playboy na magazine. Naglalakihan ang mga dibdib ng mga babaeng provocative kung makapose sa mga pahina niyon. She shook her head. She knew very well that those massive boobs were fake!
Bumalik na siya sa puwesto niya.

Si Tristan ay tinapunan ng pansin ang umuusok na tasa ng kape ng makalabas si Naya. Nalanghap niya ang usok at mabango iyon.
Tinikman niya ang kape. Masarap. As usual, nakuha nito ang timpla niya. Si Naya lamang ang sekretarya na masarap magtimpla ng kape. Sa dinami-dami ba naman ng naging sekretarya niya, walang nakakuha ng timplang gusto niya. Kung hindi mapakla, mapait o di kaya naman sobrang tamis.
Wala talaga siyang maipintas kay Naya kung trabaho ang pag-uusapan. Talagang maaasahan ito. At hindi lang sa trabaho niya naaasahan ang babae. Tigalinis din ito ng mga kalat niya.
Isa lang ang hindi perpekto sa babae. Ang itsura nito. Napangiwi siya sa naisip. Paano kaya kung naging maganda si Naya? He thought. Siya na mismo ang natawa sa naisip niya.

Nang matapos sa ginagawang statement of accounts si Naya at makapagprint niyon, muli siyang pumasok sa suite ng binata. Kailangan kasing pirmahan iyon ni Tristan for signatory purposes.
Ubos na ang kapeng tinimpla niya. Pagkatapos pirmahan nito ang statement of accounts, binitbit na rin niya ang wala ng lamang cup upang iligpit at lumabas na sa suite ng binata.
Ipinatong niya sa kanyang mesa ang mga piraso ng papel at dumiretso sa pantry. Ipinatong niya ang tasa sa counter. Ang balak ay hugasan iyon. Ngunit napatitig siya dito.
Maya-maya ay hinawakan niya ang tasa at sinipat ang lid niyon.
Saan kayang parte lumapat ang mga labi ni Tristan?
Inilapit niya sa bibig ang tasa. Ipinikit niya ang mga mata ng sumagi ang mga labi niya sa gilid niyon. She imagined that Tristan was the cup and that she was kissing him.
Pakiramdam niya’y nasa langit siya ng mga sandaling iyon.
“Naya, what the hell are you doing?!” Dumadagundong ang boses ni Tristan.
Napaigtad niya. She pushed the cup hardly to her lips and she was hurt. Sa pagkabigla niya ay nabitawan niya ang tasa at nahulog iyon sa tiled na sahig. Nabasag iyon at nagkalat sa sahig.
“Great! You just broke my favorite coffee mug!” He hissed.
Hindi siya magkandaugaga sa pagpulot ng mga basag na piraso ng tasa.
Kung bakit ba naman kasi ginulat siya nito ayun tuloy nabitawan niya ang cup.
“Alam mo ba kung magkano iyan, huh Naya?”
Napatunganga siya dito. She shook her head.
“That’s two thousand five hundres pesos and I will deduct it from your salary.”
Napahumindig siya. Two thousand five hundres pesos ang mug na ito? Eh mukhang simpleng mug lang naman ito ah.
Napapiksi siya ng mapansing nasugatan ang daliri niya. She saw blood and she was aghast.
Kung hindi siya naagapang hawakan ni Tristan ay natumba na siya sa sahig. Muntik na siyang himatayin! Takot siya sa dugo at dumurugo ang daliri niya.
“Christ!” Aburidong-aburido na si Tristan. Kinuha nito ang daliri ni Naya at hinugasan iyon sa ilalim ng gripo. “Ang tanga-tanga mo talaga Naya. Kanina ay nabasag mo ang paborito kong coffee mug, ngayon naman nasugatan mo ang sarili mo.” Asik nito.
Pinaupo siya nito sa mesa niya at inabot ang first aid kit. Pagkatapos lapatan ng betadine ang sugat sa daliri niya ay nilagyan nito iyon ng band aid.
Tahimik lamang siya habang nakamata sa binata. Enjoy na enjoy siya sa ginagawa nito. Feeling niya ay isa siyang prinsesa na pinagsisilbihan ng prinsipe niya. She was dreamy again.
“Ayan! Sa susunod mag-ingat ka, okay?” Padarag na binitawan nito ang daliri ng dalaga.
“Yes, sir!” Maagap na sagot niya. Ang saya-saya naman niya ngayong araw. Di bale ng nasugatan siya basta napagsilbihan naman siya ni Tristan! Gusto niyang magtutumili sa kilig.
“Thank you, Sir Tristan,” she said with a big smile.
He just shrugged off his broad shoulders. Ni hindi sumagot ng ‘You’re welcome.’ Hindi na mahalaga sa kanya iyon. Ang mahalaga, ginamot ni Tristan ang sugat niya.
Dahil sa nangyari ay buong araw siyang nakalutang sa alapaap.

6 Responses to “New Year! New Novel!”

  1. Jason Pamintuan Says:

    Kelan matatapos ‘to? And BTW, is that really you????!!!

  2. there is no definite date yet for the release. and yes, that is me.

  3. available ba sa lahat nang nbs yung story mo.

  4. sorry Lolie pero hindi eh.

  5. hello. san po ito puede mabili

  6. shanez bandiola Says:

    hi po ms.sha?
    wla pa po ba kaung soft copies nito?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: